Jessica Miyuki Valdez
Tick! Tock! Tick! Tock!
9 PM na... nasaan na ba kasi si Luna?! Ang sabi kasi nila sakin ngayon daw ise-celebrate ang birthday ni Drace kahit na bukas pa ang birthday nya. Di ko alam kung anong trip nila.
Tinext ako ni Luna na susunduin raw nya ako dito sa bahay para makapag-ready na. Nakaligo na ako at si Luna na lang ang hinihintay ko.
Hindi na din ako nagpaalam kay Mama na aalis ako dahil sigurado akong di nya ako papayagan. Sabi din naman kasi ni Luna na hindi na daw kailangan. Nagi-guilty nga ako eh!
Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko agad yun.
“Hello?” pabulong na sabi ko. Patay ako kapag nalaman ni Mama na aalis ako na hindi nagpapaalam!
[You ready?] tanong sakin ni Luna sa kabilang linya.
“Nasaan ka ba? Anong oras na oh!”
[I’m at your window.] Nakarinig naman akong mahina na katok sa bintana ko kaya napalingon ako.
“Hi!” pabulong din na bati ni Luna sakin sabay wave ng kamay.
Lumapit kaagad ako sa bintana para buksan yun.
“Let’s go,” sabi nya bago bumaba ng hagdan. Dahan-dahan naman akong sumunod sa kanya tapos sinara ang bintana ko.
“Hoy sa’n galing yung hagdan?” tanong ko pagkapasok namin sa loob ng sasakyan nya.
“It doesn’t matter,” sagot lang nya at ini-start ang makina.
“Hindi pa ba tayo male-late?” tanong ko ulit nang umandar na ang sasakyan. Papunta na kami sa bahay nina Luna para makapaghanda. Sya naman daw bahala sakin eh.
“The party starts at midnight, Jess.” Napatango lang ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang maliit na box na bitbit ko. Nasa loob nito yung gift ko kay Drace.
Sobra akong kinakabahan ngayon. Napupuno ako ng negative thoughts! Pa’no kung di nya magustuhan ang gift ko?! Eh di ko naman kasi alam kung anong gusto nya.
Ilang minuto pa ang lumapis at nakarating na kami sa bahay nina Luna. Nakalabas na kami pareho at papasok na kami sa bahay.
“Ba’t maliwanag pa rin ang bahay nyo kahit gabi na? Hindi ba kayo natutulog?”
“Vampires are mostly awake at night and asleep at day.”
“Ahh okay.”
Paakyat na kami ng hagdan at nagtaka ako nang di ko makita si Tyler. Diba magkasama sila sa iisang bahay?
“Nasaan nga pala si Tyler?” tanong ko habang papasok kami sa kwarto nya. Umupo naman ako sa kama nya habang may kinukuha sya mula sa walk-in closet nya.
“He’s with Neil, alam mo naman ang lalaking yun, mahirap pilitin.”
Siguro sobrang bongga ng party na yun. Marami din atang darating. Well what do you expect? Birthday ng prinsipe nila eh!
Sana hindi ito matulad nung... isang party. Nasaan na kaya si Soul?
“This is yours and this is mine, ang cute ng sayo diba?” sabi ni Luna at binigay sakin ang dress.
“Sleeveless na naman? Wala ka bang iba dyan?” reklamo ko. Bakit lahat na lang ng pinapasuot ni Luna sakin puro sleeveless?! Nananadya ba sya?
Kumuha sya ng tuwalya at pumasok sa banyo.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampire[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
