Jessica Miyuki Valdez
Sunday, 6:50 PM
“Ate! Bumaba ka na dyan, nandito na ang sundo natin,” tawag ni Jassie sakin mula sa baba.
“Sandali lang!” sigaw ko pabalik habang inaayos ko ang yellow casual dress ko na hanggang tuhod. Chineck ko ang sarili ko sa salamin kung okay lang ba ang itsura ko.
Okay na’to.
Habang pababa ako ng hagdan, tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.
Si Drace kasi ang tumatawag at nasabihan ko na rin sya tungkol dito sa family dinner. Subukan lang nyang tumanggi at bubunutin ko ang pangil nya!
“Hello?”
[Yuki—]
“Subukan mo lang di pumunta, susuntukin kita!” putol ko sa sasabihin nya.
Wala naman syan sinabi na pupunta sya... pero di din naman nya sinabi na di sya makakapunta diba?
“Tss I’m going okay?” sabi nya sa kabilang linya. Kailangan nyang pumunta dahil ayaw kong magpatalo sa Chloe na yun!
“Bakit ka napatawag?” tanong ko habang nagmamadaling isuot ang doll shoes ko. Nagmamadali kasi sina Mama eh, di naman sila pagtataguan ng restaurant!
“I’ll just let you know I’ll be late, baka kasi magpakamatay ka pag di mo agad ako nakita,” sabi nya sa kabilang linya at alam kong nakangisi sya ngayon.
“Kapal mo! Sige na, bye,” sabi ko bago sya binabaan. Ang hangin lang ng lalaking yun!
Pagkatapos kong ilagay ang cellphone sa pouch ko, lumabas na ako at pumasok na sa sasakyan na sumundo samin. Oo na! Sige na! Sila na mayaman!
Hindi naman nagtagal at nakarating na kami sa restaurant, pumasok na kami at sinalubong kami ng waiter. Sinabi ko ang pangalan ni Tito Alfred.
“Please follow me,” sagot nya at naunang maglakad. Hinatid nya kami sa table kung saan naka-upo sina Tito Alfred.
“Please have a seat,” sabi ni Tito at hinalikan sa pisngi ang Mama ko.
We are sitting in a large round table at napansin ko rin na wala pa si Chloe. Is she planning on a grand entrance later?
“Nasaan nga pala si Chloe? Bakit wala pa sya?” tanong ni Mama na naka-upo sa tabi ni Tito.
“She’s probably with Jonathan, her boyfriend,” sagot ni Tito.
Ahhh Jonathan pala ang pangalan, maganda ang pangalan ah.
Sumandal ako sa upuan at kinuha ang cellphone ko. Di na ako nakisali sa usapan nila, puro lang naman sila ‘Nice to meet you’, ‘Hello’, ‘Hi’ etc. May katabi kasing matangkad at maputing lalaki si Carla, fiancé nya siguro.
To: Drace <33
ASAN KA NA BA?!
[End]
Pagkatapos kong itext si Drace, binaba ko ang cellphone ko at sumulyap sa labas ng restaurant. Tsh wala pa rin sya, ilang minuto pa ba ang kailangan kong hintayin?
Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito.
From: Drace <33
Nagbibihis pa ako. Just wait okay?
[End]
“Lechugas ‘tong lalaking to! Nagbibihis pa lang?!” bulong ko sa sarili ko at itinago ang cellphone ko. I’ll give him 15 minutes kundi bubunutan ko talaga sya ng pangil! Seryoso ako!
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampire[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
