Jessica Miyuki Valdez
I dialed his number for the 10th time and waited for him to answer his phone... pero ilang segundo ang lumipas... di pa rin nya sinasagot.
Ibinaba ko ang cellphone ko at inub-ob ang mukha ko sa counter. Nandito kasi ako sa resto at Saturday ngayon.
“Ano na naman bang problema mo, Jess? Napapadalas ka atang malungkot ah?” narinig kong tanong ni Sena habang palakad-lakad sya sa likuran ko.
Inalis ko ang ulo ko sa paka-ub-ob at naghalumbaba.
“Wala ‘to. Okay lang ako,”sabi ko lang.
“Sabi mo eh. Kaw muna ang bahala dito,” sabi nya sakin bago sya pumasok sa kitchen and I sighed my frustration when she left.
Dalawa at kalahating buwan na ang lumipas simula nung training ni Drace. At sa mga panahon na yun, marami ang nangyari.
Ikinasal na si Mama at Tito Alfred kaya nakatira na kami sa kanilang bahay. Sinabihan ako ni Tito na di ko na raw kailangang magtrabaho pero tumanggi ako, ayoko naman kasing magkulong na lang sa bahay dahil mabi-bwisit lang ako kay Chloe.
Araw-araw ba naman akong tanungin kung nagbreak na ba daw kami ni Drace kasi sya daw ang papalit! Sarap bangasan ng babaeng yun!
Pero imbis na every weekdends akong magtrabaho dito sa resto, every Saturday na lang daw para makapag-focus ako sa pag-aaral.
At sa mga panahon din na yun... napapansin ko na iniiwasan ako ni Drace. Kapag lumalapit ako sa kanya lumalayo sya, kapag tumatawag ako di nya sinsagot at kapag magkasama kami, di sya umiimik.
Alam kong may problema pero di ko na lang sya tinatanong dahil alam kong frustrated lang sya sa training nya.
Ayokong makadagdag sa problema kasi naniniwala akong magkakaayos din kami. Pero kahit na ilang beses kong tinatanim sa utak ko na dapat intindihin ko sya... di ko pa rin maiwasang masaktan.
Napabuntong-hininga na lang ako at nilaro ang ballpen sa kamay ko.
♪ Sometimes I wonder late at night
How you have been ever since that time ♪
Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. And my eyes widen when his name flashed on the screen!
I immediately pressed answer button at tinapat ang cellphone sa tenga ko. My heart is beating very fast and I can’t breathe because of the excitement I’m feeling.
Ito ang unang beses na tinawagan nya ako simula nung nagkakalabuan kami.
“Drace?” I said and waited for him to talk, dalawang linggo kaming di nagkita kasi binibigyan ko muna sya ng space at di rin kami nagkausap dahil di nya sinasagot ang mga tawag ko.
Gustong-gusto ko na syang puntahan and I’m dying to hear his voice again.
I’ve missed him so much.
“Hey, I’m busy right now. Mamaya ka na tumawag ‘geh bye,” he said and ended the call.
Napayuko ako and my phone slide down slowly from my right ear, I gulped the lump on my throat.
I felt like being stabbed in my chest again and again because of the pain I’m feeling. Ganito naman parati kapag binabalewala nya ako eh.
I exhaled the frustration and lightly slapped my cheeks with my both hands to wake me from my painful thoughts.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampiros[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...