Chapter 15 ♕ Red Eyes

7.9K 217 12
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

“Hey long time no see.” Sabi ni Keenan sa kanila pero di nila pinansin si Keenan. Tinignan lang sya ng masama nina Tyler. Lalo na si Drace na mukhang gustong sugurin si Keenan.

“Easy.” Narinig kong bulong ni Tyler kay Drace at hinawakan sya sa may siko. Kumalma naman sya konti at tinignan si Luna tapos nagulat ako nang tinignan nya din ako. Hala! Ba’t nya ako tinitignan nang ganyan?!

Lumapit si Luna sakin at hinila ako sa braso.

“Jess halika na, maghahanda pa tayo para mamaya.” Dali-dali nya akong hinila papasok sa sasakyan nya at umikot muna sya sa kabila bago pumasok.

“Kilala nyo si Keenan?” tanong ko nang ini-start na nya ang makina. I don’t know if it’s just me... pero mukha silang kinakabahan.

“Uhh yeah,” tipid na sagot nya at nagmamaneho na. Di ko naman mapigilang mag-alala. Ba’t ganyan kumilos si Luna? Kanina ang daldal nyan ah? Di kaya... nagalit ‘to dahil iniwan ko sya?! Pero di naman siguro... pinapansin naman nya ako eh.

Pero ang pinagtataka ko lang...

“Luna, bakit ganun makatingin si Drace kay Keenan? Mabait naman sya ah?” tanong ko. Di ko mapigilang ma-curious nang makita ko syang galit na galit kay Keenan. Na para bang ang laki ng galit nya sa kanya.

“Uhm... they had a fight... and I guess he’s still mad.” She said with hesitation in her voice. Nakikita ko rin sa mukha nya na ayaw nyang sabihin sakin. Okay lang naman kung di nya sabihin sakin ang totoo. Maiintindihan ko naman at isa pa, it’s not my business.

Di na ako nagtanong pa, para kasing sobrang personal na. Pero ano kaya ang pinag-awayan nila?

“Jess? I have something to ask you.” Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko syang napakagat-labi.

“Ano yun?”

“Promise me you’ll stay away from Keenan?” Nilingon nya ako saglit at bumalik ulit ang atensyon nya sa daan. Pero napansin ko sa mga mata nya ang pag-aalala.

“B-Bakit naman?” Bakit naman nya sasabihin sakin ‘to? Wala naman akong kinalaman sa away nila ah?

“He’s the kind of person you shouldn’t hang out with. I know I shouldn’t be saying this but I’m just worried for you as a friend.” Humigpit ang hawak nya sa steering wheel.

“Bakit mo naman nasabi yan?” Tanong ko ulit. Hindi ko talaga makuha ang point nya kung bakit ayaw nya akong sumama kay Keenan.

“I,” she paused and shook her head. “I’m sorry, I just can’t tell you. But please promise me. I’ll tell you when time comes.” She looked at me with pleading in her eyes.

I hesitatingly nod and looked away. Alam kong may tinatago silang sekreto. Pero bakit naman ako masasali dun? 

“We’re here,” Luna announced and I was immediately got out from my thoughts. Lumingon ako sa side ko at hindi ko pa rin mapigilang mapa-nganga sa sobrang gandang bahay ni Luna. Or should I say mansion?

“Come on.” Si Luna na ang nagbukas ng pinto para sakin tapos sinara nya ito nang makalabas na ako.

“Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pano mo nakuha ang ganito kalaking bahay.” Tanong ko at napatawa lang sya. Mas maganda na yun kesa nung seryoso sya kanina.

“My parents bought it for me.”

“Ang sarap talaga ng feeling maging mayaman.”

“Mamaya mo na isipin yang pagiging mayaman. Let’s get busy.” Sabi nya at hinila na ako papasok sa bahay. Sinalubong naman kami kaagad ng dalawang maids at kinuha nila ang gamit namin.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon