Chapter 30 ♕ Indoor Picnic

6.4K 185 7
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

Pinunasan ko ang bibig ko pagkatapos kong mag-toothbrush. Naghugas na din ako ng kamay tapos sinara ang faucet. Nadatnan ko namang nagmamadaling bumaba ng hagdan si Mama at nagkatinginan kami.

Ah Ma, saan kayo pupunta?” tanong ko.

“Eh kasi Jess, sasamahan ako ng tita Mira mo na mamili ng wedding dress para sa kasal namin ng Tito Alfred mo,” sabi nya, di naman ako naka-imik. Tuloy pala talaga? Akala ko kasi hindi na, di ko na kasi nakikitang lumalabas ng bahay si Mama.

Lumapit sya sakin at hinawakan ang braso ko. Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata nya.

“Anak, pasensya ka na kung itutuloy namin ang kasal. Mahal na mahal namin ang isa’t isa, sana maintindihan mo. Mabuti namang tao si Alfred, mahal ko sya at malaki ang tiwala ko sa kanya kaya wala kang dapat ipag-alala.”

“Ma, pasensya na kung naging bastos ako nung kaharap ko si... T-Tito Alfred. At... nakikita ko po na mahal ka rin nya Ma, susuportahan kita kahit ano man yang disisyon nyo. Nakikita ko rin po na masaya kayo at mahal na mahal nyo sya. Besides, you can’t call it love if there’s no trust in it. Tsaka malaki na kayo Ma, alam nyo na yang pinapasok nyo,” sabi ko and she happily hugged me and so I hugged her back.

“Maraming maraming salamat anak, oh sige, aalis na ako. Mag-iingat ka dito ah? Mamayang gabi pa ata ako makaka-uwi, alam mo naman ang Tita Mira mo,” payo nya sakin bago lumabas ng bahay.

Napangiti na lang ako habang pa-upo ako sa sofa. I’m glad that we’re finally okay. Sana nga hindi katulad ni Papa yung Alfred. Hindi ko na alam ang gagawin kung mali na naman na lalaki ang napili ng mama ko.

Ini-on ko ang TV at niyakap ang mga tuhod ko habang naka-upo ako. Nanood lang ako ng palabas, wala naman kasi akong magawa dito. Wala kaming pasok ngayon at si Jasmine nasa school nila.

Napadako ang tingin ko sa wall clock and it says 8:30 in the morning. Pupunta nga pala si Drace dito pero wala naman syang sinabing oras. Hayaan na nga, susulpot naman yun kung kelan nya gusto.

Hanggang sa natapos na nga ang pinapanood ko, pero hindi pa rin sya nagpapakita. Sumulyap ulit ako sa wall clock, 10:00 AM.

“May plano ba talaga syang pumunta dito?” tanong ko sa sarili ko.

“Miss mo na agad ako?” I was startld nang biglang may nagsalita sa tabi ko! Paglingon ko, isang nakangising Drace ang nakita ko.

“K-Kanina ka pa dito?!” I asked him, almost out of breath! Geezz! He’s always like that! Magkaka-heart attack na ata ako nang dahil sa kanya eh!

 “I just arrived.” He crossed his arms at nagdekwatro.

Ahh ok.”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nag-focus ulit sa pinapanood ko. Ilang minuto na ang nakaraan pero wala pa rin sa amin ang nagsasalita, kaya ako na lang ang nag first move.

“Diba sabi mo magde-date tayo? Saan tayo ngayon?” tanong ko pero nanatiling naka-kunot ang noo nya. May problema ba sya?

“Tsk ewan! Badtrip!” sabi nya na naiinis.

“Problema mo?” tanong ko pero umiling lang sya. Baliw ba ang lalaking ‘to? Pero last time I check, manyak ‘to ah?

“Ano ba Drace? Sabihin mo nga kung ano yang problema mo? Mukha kang bata dyan.”

“Gusto kong mag-picnic tayo.”

Yun lang yun?! Nagkaganyan na sya?!

“Eh di tara na!” sabi ko na nakatayo na at nakita ko sa lapag ang picnic basket. Di pa rin sya umaalis sa pagkaka-upo at nakakunot pa rin ang noo nya.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon