Jessica Miyuki Valdez
Naglalakad na ako papunta sa first subject ko this morning. Habang naglalakad ako, yuko lang ako ng yuko dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante.
Ayoko sanang pumasok dahil natatakot ako na baka makita ko si Carl pero pinilit ko na lang dahil baka magh-alala si mama. Baka isipin nya na na-trauma ako o ano, ayokong pinag-aalala ang pamilya ko.
Nang makarating na ako sa harap ng room namin, lumunok muna ako bago pumasok. Napatigil lahat ng mga kaklase ko sa ginagawa nila at tinitigan ako. Umiwas lang ako ng tingin at dumerecho sa upuan ko. Kahit na hindi ko nakikita si Carl, kinakabahan pa rin ako. I felt like any minute mapapahamak na naman ako.
Tahimik lang ang buong paligid hanggang sa dumating na ang prof namin. Tumayo na sya sa harap at nagsalita.
"Good morning class, today we're g—“
Di natuloy ni Prof ang sinasabi nya nang bumukas ang pinto... lahat ng pares ng mga mata ay nakatingin sa kanya. When my eyes landed on him, nawala na ang kaba na nararamdaman ko. Yumuko lang ako when I felt my cheeks heated up. Dalawang araw ko syang di nakita and I suddenly felt like I missed him. Nasanay ata akong nakikita sya.
Sinundan lang namin sya ng tingin hanggang sa maka-upo na sya, which is in front of me.
"As I was saying, today we're going to tackle new lessons but before I start, that was a good game you had the other day, Mr. Knight." Baling nya kay Drace at di man lang sya nagsalita or even say thank you.
And that reminds me, di rin pala ako nakapag-thank you sa kanya dahil ngayon lang ako pumasok.
"And of course it's good that Ms. Valdez is alright while on the other hand, Mr. Salameda is still in the hospital. Sad to say he’s in coma and let's just pray he's going to wake up despite of what he did."
Nagulat ako sa nalaman ko. Coma?! Pano nangyari yun?! Imposible namang si Drace ang nanakit sa kanya dahil karga nya ako nun.
Maybe someone beat him up nung nakaalis na kami. But how will you explain the sound of the mirror that broke?... and the strong wind?
What happened that was a mystery to me pero.. gusto ko nang kalimutan yun. Kahit naman na malapit na akong mamatay, may parte din naman sakin na naawa sa kanya. Sino naman kaya ang may gawa sa kanya nun? For petes sake! Coma yun! He might not wake up! Mas gagaan pa ang pakiramdam ko kung nakulong na lang sya.
I looked at Drace who is in front of me. Binalikan nya kaya si Carl? Was it you?
Halos hindi ko ma-imagine na si Drace ang bumugbog sa kanya na halos ikamatay na ni Carl. That's imposible! He won't do that! Kahit naman hindi ko pa sya masyadong kilala, I have faith in him. He can't do such a thing!
He's not a monster.
・*:.。. .。.:*・
An hour passed
Tumunog na ang bell at nagsilabasan na ang lahat pati si Drace, dali dali kong kinuha ang mga gamit ko para habulin sya at makapag-thank you sana. Pero paglabas ko.. he suddenly disappeared. Nilingon ko ang paligid pero wala na talaga sya.
Where did he go? Ang bilis naman ata nyang maglakad?
I felt disappointment and let out a deep sigh bago tumungo sa locker room. Mamayang lunch ko na lang sya pasasalamatan o di kaya kung kelan ko sya makakasalubong. I just wonder if he’s avoiding me.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampiros[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
