Chapter 20 ♕ Forget About You

7.2K 206 5
                                    

Jessica Miyuki Valdez

“You smell nice,” biglang sabi nya and I just roll my eyes. Nung una kaming nagkakilala nagrereklamo sya sa amoy ko tapos ngayon gusto na nya? Nakadrugs ba ‘to?

 “Ganyan ba kabango ang dugo ng tao at para kayong mga adik?” Kasi kung ako ang tatanungin ayaw ko sa amoy ng dugo. Bakit kaya sa kanila iba? Siguro dahil iba ang body structures nila.

“Yeah but too bad we can’t drink human blood anymore.”

“Eh bakit ikaw...” sabi nya bawal pero ininom nya ang dugo ko. Ano ‘to? Biased?

“I’m an exception, there’s also medicines sent to us to control our thirst,” kwento nya.

 “Yun ba yung gamot na napulot ko nung nagtransfer ako?” Humarap ako sa kanya para makita ang expression nya. Siguro mahirap na maging sila? To live in a world na kailangan nilang magtago.

Naramdaman ko namang tumango sya.

“That’s Helix capsule, it’s for controlling thirst. But when I met you...I could still smell you,” sabi nya na nagtataka. Malay ko ba dyan, baka failed yung napadala sa kanya?

“Tsk naka-inom na ako ng gamot yet I can still smell her. What’s wrong with this girl?” Naalala ko yung sinabi nya nung napulot ko yung gamot nya.

 “Ahh kaya pala, noon akala ko bading ka eh. Ang arte mo kasi,” sabi ko na natatawa at tinikom ko agad ang bibig ko nang pumula ang mga mata nya! Nakakatakot na nga yung death glare nya, yan pa kaya?!

“Bakit ka nga pala nakakulong?” pag-iiba ko ng topic. Napasimangot na lang sya dahil siguro naalala nya yung pagkakulong nya.

“I’m... experiencing a kind of transformation when it’s full moon,” sagot nya at nanatili akong nakatitig sa kanya.

 “Tsk go to sleep,” sabi nya na nakatitig na rin sakin kaya nakipagtitigan din ako sa kanya. At wala ata syang planong umiwas ng tingin.

“Sa tingin mo makakatulog ako na may bampira na nakatitig sakin? Matulog ka na lang din kaya?” sabi ko at pinitik nya ang noo ko. Sakit nun ah!

“Don’t boss me around, you’re in my house. Specifically in my room,” and then I saw him grin.

 “Di ako makatulog pag may tumitingin sakin,” reklamo ko.

“Eh di wag kang matulog,” he said sarcastically. Uupakan ko na talaga ‘to pag di na ako nakapagpigil!

“Ipikit mo na lang yang mata mo,” sabi ko tapos tinakpan ang mga mata nya. Hinawakan naman nya ang kamay ko at tinanggal sa mata nya.

“Alright! Ipipikit ko na,” naiiritang sabi nya at pumikit na lang.

Kahit na nakapikit na sya nakakailang pa rin, knowing that he’s awake is still awkward. Tumalikod na lang ako sa kanyaat pumikit na lang din.

・*:.。. .。.:*・

“Yuki,”naalimpungatan ako nang marinig akong may tumawag sa pangalan ko.

“Yuki.”

 Iminulat ko na ang mga mata ko nang marinig ko ulit ang pangalan ko. Babae... babae ang tumatawag sakin pero di ko alam kung sino. Ngayon ko lang narinig ang boses nya.

Bumangon ako at iginala ang paningin ko. Nasa aking kwarto ako ngayon. Tinignan ko ang damit ko at nakapangbahay ako.

Why do I feel weird?

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon