Chapter 27 ♕ Kisses

7.2K 187 6
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

“Bye guys,” Luna said while waving at us at pumasok na sya sa loob ng sasakyan ni Tyler.

“Bye,” sabi ko rin habang kumakaway sa papaalis nilang sasakyan.

“Get in,” narinig kong sabi ni Drace at pinagbuksan ako ng pinto. Lumapit naman ako na nakasimangot.

“What’s with that look?” tanong nya na nakasandal sa sasakyan nya. Inirapan ko lang sya.

“Wala!”

“C’mon! Galit ka pa rin? O nag-iinarte ka lang?” I shot him a glare and he returned a grin.

“Kung batuhin kaya kita?!” Nanggigigil na sabi ko at mas lumaki pa ang ngisi nya.

Alam na kasi ng lahat na kami na. Nakakahiya talaga yung ginawa nya kanina! Parang gusto ko na ngang magkulong sa CR sa sobrang kahihiyan eh!

Ewan ko nga kung anong nakain nya, naninibago ako sa mga kinikilos nya.

And it all started this morning...

Flashback

“Ma aalis na po ako,” pagpapaalam ko kay Mama habang pababa ako ng hagdan.

Feeling ko nagmukha na akong baliw dahil di pa rin natatanggal ang ngiti ko sa labi. Di kasi ako makaget-over sa nangyari kagabi eh! IIHH!

It feels like it’s too good to be true! Ang sarap pala talaga sa feeling! Para akong lulutang sa tuwa!

AHHH! NAKAKABALIW!

Paglabas ko ng bahay, hindi na ako nagulat na makikita ko sya. Nakasandal sya sa pulang sasakyan nya at ngayon ko lang napansin na ang hot pala nyang tignan!

Messy hair but it looks good on him at loose ang pagkakabuhol ng tie nya. Parang bad boy lang.

Habang tinititigan ko sya, naiisip ko na lang... boyfriend ko ba talaga yan?!

Lumapit na ako sa kanya at umayos sya ng tayo. I stopped in front of him and smiled.

“Good morning,” bati ko sa kanya... pero dinedma na naman nya ako tulad ng ginaw nya kahapon!

I frowned on what he did. Tsk ano na naman ang problema nya at dinededma na naman nya ang kagandahan ko?! Nakakabastos ah! Kahit na boyfriend ko na sya sinusungitan nya pa rin ako!

Pinagbuksan nya ako ng pinto at padabog akong pumasok. He closed the door at umikot sya para umupo sa driver’s seat.

Nakasimangot pa rin ako at nakahawak lang sya sa manibela. Kunot-noo ko syang nilingon, uupo lang ba kami dito buong araw?

“Oh ano pang hinihintay mo?” tanong ko sa kanya at nilingon nya ako. Suddenly, a smirk formed on his lips at kumabog ang puso ko ng dahil dun.

I have this feeling na parang may binabalak sya!

“B-Bakit?” tanong ko ulit.

My eyes widen nang lumapit sya sakin kaya lumayo agad ako saa kanya. Dikit na dikit na nga ako sa pinto eh!

A-Ano na naman bang trip ng isang ‘to?! Hindi ko na alam kung ilang beses na akong napalunok ng laway dahil sobrang kinakabahan ako!

“I want my morning kiss,” sabi nya na nakangisi pa rin.

“A-ANO?!” I shouted at him sabay tulak sa kanya kaya kumunot ang noo nya. Anong morning kiss?!

Umiwas agad ako ng tingin dahil nararamdaman kong umiinit ang magkabilang pisngi ko. Kailangan pa ba ng ganun?!

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon