Jessica Miyuki Valdez
Nakakatakot naman ‘to!
Napalunok ako bago magsalita. Ninenerbyos na naman ako! Bakit gising pa sya?! Nasaan na ang mga kasama nya?
"A-ah sorry pero... pwede po bang malaman kung saan ang CR?"
Tinitigan nya muna ako at tumalikod tapos naglakad, sinundan ko lang sya dahil wala na akong choice. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil feeling ko mukha syang multo. Hindi man lang sya kumukurap at wala talagang expression ang dumadaan sa mukha nya!
Buti na lang at sya lang ang nakasalubong ko. Tulog na kaya ang mga weirdong katropa nya?
Nang makarating na kami sa harap ng CR, nagpasalamat agad ako sa kanya.
"A-ah thank you,"sabi ko sa kanya at umalis na sya kaya napahinga ako ng maluwang.
Nakakatakot talaga ang lugar na'to pero at the same time maganda. Mukha silang walang kaluluwa dahil sa kinikilos nila. Ilang minuto akong nag-stay sa loob at kinukusot ko ang mata ko habang lumalabas, hindi pa rin ako inaantok! Nakaka-inis!
Sinarado ko na ang pinto at napasigaw ulit ako nang may lalaking nakatayo sa harap ko! He then covered my mouth with his hand at nakahinga ako ng maluwang nang malaman kong si Drace yun.
Grabe! Feeling ko magkaka-heart attack ako sa bahay na'to! Tinabig ko ang kamay nya and glared at him.
"Ano bang ginagawa mo dito?!" sabi ko sa kanya.
"Shouldn’t I be asking you that?"
"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko? Kita mo naman na galing ako sa loob ng CR diba?" Isa pa ‘to, creepy din!
"Go back to your room, it's not safe here."
"Hindi ako makatulog."Nakangusong sabi ko, seryoso lang syang napalingon sa paligid. Bakit ba parati syang seryoso? Nakakatakot tuloy sya minsan.
"Not my problem." Hinila nya ang kamay ko pero hinigit ko pabalik nang makita ko ang garden maze sa likod ng bahay nila.
That looks so cool! Gusto kong pumunta dun! Hindi pa ako nakakakita ng ganyan, kaya mukha akong naabno sa nakita ko.
"Ang cool naman nun! Gusto kong pumunta dun!" Sabi ko at tinuro ang garden maze.
“No.” Sinimangutan ko sya at lumabas ng mansyon, malapit lang naman kasi ang pinto.
“Hey! I said no!” Napangisi naman ako nang sinundan nya ako kaya tumakbo ako papasok sa garden maze para di nya ako maabutan.
Nasa loob na kami ng garden maze, napapalibutan iyon ng iba't ibang bulaklak. Nakikita ko pa naman ang daan dahil maliwanag ang buwan. Huminto muna ako at hinintay sya makapasok dahil baka maligaw ako.
"I told you not to go!"Naiinis na sambit nya at hinawakan ako sa siko. Hihilahin nya sana ako palabas pero nagpumilit ako.
“Drace naman eh! Kahit sandali lang. Hindi talaga ako makatulog.” Huminto naman sya sa paghila sakin but he glared at me then his grip tightened and I swallowed the lump on my throat. Umm...did I do something wrong?
“I told you not to call me that name.” Ilang beses akong napalunok bago ako nakapagsalita.
“U-Uhm, s-sorry.” Kagat-labi akong yumuko and tried to get away from his grip. Dahan-dahan nya akong binitawan. Nakakatakot sya, promise!
“Uhm, s-sige. B-Babalik na lang ako sa kwarto ko. S-Sorry ulit.” Sabi ko at umunang naglakad. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang marinig ko syang bumuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampiros[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
