Jessica Miyuki Valdez
Bumangon na ako sa higaan ko nang sumapit ang alas sinco ng umaga.
Ugghh gusto ko pa sanang matulog pero kailangan ko nang tulungan si Mama na magluto.
Pagkatapos kong tupiin ang kumot at ayusin ang kama ko, chineck ko muna ang cellphone ko kung may natanggap ba akong message at tama nga ako... meron nga.
Puro naman kay Drace... at ang dami. Kaya pala ang ingay ng cellphone ko kagabi! Binasa ko na ang mga message nya.
‘Tulog ka na ba?’
10 pm nya ‘to sinend. Natural! Tulog na ako sa mga oras na yan.
‘Why aren’t you replying?’
Kung may sleep walking at sleep talking, may sleep texting din kaya?
‘Pupunta ako dyan ah?’
Napakunot-noo ako sa text nya. Pumunta sya dito kagabi? Tsaka alam naman nyang tulog ako tumetext pa rin. Ang engot lang!
‘Pati sa pagtulog ang panget mo pa rin, ‘geh alis nako. Next time lock your window!’
Loko ‘tong bampirang ‘to ah?! Laitin ba naman ako?! Pasalamat sya dahil tulog pa ako nun kundi nabunot ko na pangil nya!
Ibinaba ko na ang cellphone ko at bumaba na. HMP!
Neil Drace Knight
“Ang engot talaga ng babaeng yun,” bulong ko sa sarili habang nakatitig sa cellphone ko na nakahiga sa kama.
Mag-i-isang oras ko na ata yung ginagawa pero di pa rin sya nagre-reply. Pati ba naman load wala din sya?! Pambihira!
I threw my phone beside me and covered my eyes with my left arm.
“Why Prince? I’m not going to hurt her. Scared to let her know your secret?”
Napa-upo ako sa kama at sinabunutan ang sarili ko sa sobrang inis sa naalala ko.
If I catch that Soul Alfieri I’d kill him in a second! Yuki must not know...she must not know I...I killed her brother. Nalaman kong kapatid nya yung... lalaki nung makita ko ang picrure nya sa kwaro ni Yuki.
Hindi ko iyon ginusto na mangyari pero... nangyari pa rin. I wasn’t myself back there... I don’t want to kill him but the thirst over-powered me. And I lost control.
That was one nightmare that I want to forget. But seeing her everyday reminded me.
Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko... hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong gawin. Bu still I’m going to stick to my plans for now.
Train... and hide it from her. Though I don’t know how long I can keep it hidden.
Knock! Knock!
I heard a knock on my door, so I stood up and opened it.
“Prince, magsisimula na ang pagsasanay,” Valerie said.
“Kay,” sabi ko lang and I followed her downstairs.
Pagbaba namin wala na doon ang matanda at sigurado akong nasa training field na sya. Pagdating namin sa training area, di nga ako nagkakamali, nandito na nga ang matanda.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
مصاص دماء[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
