1

5.5K 115 20
                                        

1: Strike Three

     Kumaripas ako ng takbo sa kahabaan ng hallway na ngayon ay wala nang makikita ni isang estudyante. Late na ako para sa unang subject namin. Hiling ko na lang talaga ngayon na maunahan ko si Ms. Reyes sa classroom.

Na imposibleng mangyari dahil laging on time ang teacher kong iyon sa English. Pero lagi namang merong first time sa lahat ng bagay, hindi ba? Sana ito na 'yung first time ni Ms. Reyes na mahuli sa klase.

Hindi naman kasi ako male-late kung wala lang nagbago ng oras sa alarm ko.

Nagsimula na namang uminit ang dugo ko nang maalala kung paanong laking gulat ko nang makitang mag-aalas siyete na ako nakagising kaninang umaga dahil doon palang tumunog ang alarm.

Alas otso ang pasok ko at dahil thirty minutes ang biyahe mula sa bahay papunta dito sa McGregor High, sobrang kulang ang natitirang oras para makapaghanda ako.

Hindi rin sa bahay natulog ang kapatid kong si Theo dahil doon ito sa bahay ng kaklase nag-overnight para sa project nila sa isang subject. Kaya naman mag-isa lang ako sa bahay. At dahil nga late ang alarm at 'walang ibang pwedeng manggising sa akin, ito na ang naging epekto—late ako.

Naku lang talaga. 'Wag lang magpapakita sa akin ang salarin ng pagkahuli ko ngayon dahil baka hindi ko mapigilan at kakaliskisan ko talaga siya ng buhay.

Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa makita ang likuan patungong hagdan. Pero saktong pagliko ko ay hindi ko napansin na mayroon ding patungo naman sa pinanggalingan ko, ang mga katawan nami'y nagbangga.

Medyo malakas nga ang impact at muntikan pa akong matumba kung hindi lang sa dalawang malakas na kamay ang nakahawak sa katawan ko—ang isa sa braso at ang isa ay sa aking bewang.

Nakarinig ako ng pagbagsak at agad na napunta ang mga mata ko sa mga papel at libro ng Math na ngayon ay nakakalat sa sahig. Math, ulit ko sa isipan. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mayroong pangalan na pumasok sa isipan.

At nang unti-unti ko na ngang iangat ang tingin ay hindi ako nagkamali nang makita ang mukha ng batang teacher—si Mr. Carpio—na siya ring Math teacher namin.

Umunat na ako ng tayo saka marahang inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Sorry po," nahihiya kong sabi saka tumungo na't nagsimulang magpulot ng mga gamit niya. Agad din namang sumunod si Mr. Carpio at tinulungan akong masinop ang mga papel sa sahig. Nang makitang ang lahat ay nakuha na, umayos na muli ako ng tayo saka inabot ang mga napulot na gamit sa teacher ko. "Sorry po ulit."

Tipid na ngumiti si Mr. Carpio at kinuha ang mga iyon. "Wala iyon, Ms. Madrigal."

Saglit akong napatitig sa ngiti niya. Bumata kasi siyang tingnan doon. Mr. Johannes Carpio is just twenty-three years old pero sa pormal niyang ayos at dahil sa salamin sa mata'y medyo nadagdagan ang edad niya kung siya'y pagmamasdan. Idagdag pa na hindi rin siya palangiting guro kaya nga napagkakamalan siyang istrikto ng karamihan sa mga estudyante.

Ngunit sa ganitong pagkakataon na mayroong ngiti sa labi niya, mukhang bumalik ang itsura niya sa totoong edad, o di kaya nga'y mas bata pa.

Napangiti rin ako. "Thank you po."

Patuloy lang akong tinitigan ni Mr. Carpio, suot pa rin ang ngiting iyon. At parang may kung ano naman akong kabang naramdaman. Hindi ko maipaliwanag. 'Yung pagngiti lang ni Sir, simple lang ngunit tila makahulugan.

At dahil nagsimula na akong makaramdam ng pagkaasiwa, idagdag pa na naalala kong may hinahabol pa akong oras, nagpaalam na rin ako. "Sige po, Sir. Mauna na po ako. Late na po ako sa klase ni Ms. Reyes."

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon