41: Good Night
"Remember what we talked about, okay?" muling paalala sa akin ni Dale.
Huwebes na nang umaga ngayon, ilang minuto bago mag-alas sais ng umaga. Ilang minuto bago mag-alarm ang cellphone ko. Pero, pareho na kaming gising.
We were awake already about an hour ago, just talking. Just him holding me. At kahit pa medyo nabawasan na ang pagkabigla at pag-aalala ko mula nang sabihin niya sa akin ang pag-alis niya ngayon hanggang sa Linggo, parang gusto ko pa ring magpaka-selfish ngayon kay Dale at hilingin na 'wag nalang siyang umalis.
Binatukan ko ang sarili sa isipan. Iniisip ko na naman ang sarili ko lang na kapakanan.
Tungkol naman sa sinasabi sa akin ni Dale. Lunes ng gabi nang mag-isip din kaming dalawa ng paraan kung papaano ang magiging set-up naming sa mga susunod na gabi. At gaya ko, sobrang worried din ni Dale sapagtulog ko.
So, our plan? Dale would stay with me on the line until I fall asleep. At wala akong dapat gawin kung hindi isipin na kahit boses niya lang ang naririnig ko'y kasama ko pa rin siya sa tabi ko.
Madali lang pakinggan pero hindi ko alam kung paano gagawin.
Pero hindi ko pinakita kay Dale na may agam-agam ko sa binabalak naming gawin. Because at the end of the day, I still wanted to believe that it will work. Kaya sinubukan kong maging positive.
Like right now. Humarap ako sa kanya at ngumiti, nagsalita na rin. "Okay."
But I underestimated Dale. He saw beyond my façade. Kumunot ang noo niya't hinaplos ng palad ang pisngi.
"Your eyes say otherwise,"simangot niya.
At wala na akong nagawa kundi ang malalim na mapahinga. "I'm still scared to be alone here," amin ko na. Pero agad ding ngumiti. "But I know I have to be strong. Kaya ayos lang. I know I'll be okay."
Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Dale. Sa halip pa nga'y mas lumalim pa iyong simangot niya. Then he muttered a curse. "I feel bad leaving you here right now. Wag nalang kayo akong tumuloy."
Sumama ang tingin ko sakanya. "Do that and I won't talk to you. Gusto mo bang ma-bad shot ako sa parents mo? Saka dun sa lola mo?" balik ko sa kanya. "Kaya ako nag-aalangang sabihin eh because you'll pull off something like this."
"I'm sorry," hingi ng dispensa ni Dale at muling hinaplos yung pisngi ko. "Hindi ko lang mapigilan mag-alala sa'yo. But you're right, I need to help you to be strong. And we should not worry too much, magwo-work yung plano natin."
Tumango lang akong muli kay Dale. At doon ay tumunog na iyong alarm clock. Nagtagpo pang muli ang mga mata naming dalawa bago napabuntong-hininga si Dale.
"I have to go now," aniya. "Ingat sa school."
At nang tumango ako sa kanya muli ay bumaba na ang labi niya sa noo ko, sunod sa ilong at huli, sa labi. Nanatili iyon doon nang matagal hanggang sa muling tumunog yung alarm clock. Marahan kong tinulak si Dale. At nangmakalayo siya'y huling beses pa siyang ngumiti sa akin bago bumangon na't lumabas ng bintana.
And as I watched his retreating back, I silently prayed I could survive these coming three nights.
*
Nang sumapit ang gabi ay alas diyes pa lang ay nag-ring na ang cellphone ko. Napangiti ako. Isang oras na mas maaga si Dale.
And I told him the same thing at the phone. "You're early by one hour," bungad ko sa kanya at inayos ang earphones sa magkabilang tenga. "Eleven ka kaya pumupunta dito sa kwarto ko."
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...
