9

2.1K 66 2
                                    

9: Hug

"Theo, sure na ba kayong hindi kayo sasama?" I asked Theo again. Nang makaupo na kami sa hapag-kainan para sa dinner ay sinimulan ko na siyang tanungin ng tungkol sa party ni Kamila.

And for the nth time, he shook his head. "Nope," binitiwan niya ang hawak na kubyertos saka tiningnan ako. "Pang-ilan mo nang tanong iyan."

I wanted to roll my eyes but I refrained myself to do so. Huminga na lang akong malalim. "I'm just making it sure," tugon ko kay Theo. "Maybe you would reconsider. I mean Kamila will be really happy kung pupunta ka. Hindi naman siguro lihim sayo kung gaano ka kagusto nung tao."

"Really?" Theo asked, his brows lifted and a mocking smile hinted his lips. "Last I checked she's head over heels with Dale."

At doon ay natawa ang nabanggit ni Theo. I glanced at his direction to give him a glare. Saka ko binalik ang tingin sa kapatid ko.

"Theo, please don't make fun of someone's feelings. I believe you're better than that."

I knew that what he said was true. Pero hindi naman iyon ang importante. Obviously, Kamila losed her interest on Dale already. At sino bang may sabi na masamang magkaroon ng maraming crushes?

Theo released a sigh. "Fine. I'm sorry," he apologized. "But still I won't go that party."

“Bakit ba kasi ayaw niyo?” medyo malakas ko nang tanong.

From the day I asked him about it and he immediately said no, I already asked the reason why. Pero lagi lang akong tinatawanan ng kapatid o di kaya’y iniilingan.

And right now, he did exactly the same thing. At hindi lang iyon, may kasama na siya ngayong tumawa.

Nakakairita.

“Theo! Nagtatanong akong maayos,” reklamo ko na. Nakakainis na kasi talaga. Nakakainis na silang dalawa.

He stopped laughing. Saka niya tinapatan ang tingin ko. “Ask him,” sagot niya saka tinapunan ng tingin si Dale.

Napakunot naman ako ng noo. Si Dale? Bakit naman si Dale?

Tiningnan ko rin si Dale at nakaismid ako doon sa pagngisi niya sa akin. Ang yabang yabang ng tingin niya na parang sinasabi sa akin na ano bang pakialam ko kung ayaw nila.

Kaya naman hindi ko rin ginawa ‘yung sinabi ni Theo. Wala pang oras ng pagtulog. Jerk Dale pa itong kaharap ko ngayon. Pero mamaya, humanda siya. Kasi magigisa siyang talaga.

*

At dumating na nga ang oras sa pagtulog.

Hindi ako agad na nagtungo sa kama at nanatili doon sa may study table, inabala ang sarili sa pagsagot nung mga Math problems.

Hindi nagtutor sa akin si Dale kanina dahil meron daw silang tatapusin kaya mag-isa lang akong nagsagot. Medyo hirap pero kinakaya ko pa naman. Saka tungkol pa rin naman ito doon sa lesson na itinuro niya nung nakaraan.

Pero isang rason kung bakit hindi rin talaga ako nakapagconcentrate sa pagsagot ay ang rason kung bakit hindi sila pupunta sa party ni Kamila. Hindi ko talaga maintindihan kung anuman ang pausong ito ni Dale.

Hindi nagtagal at tumunog na pabukas ang bintana. Nandito na siya.

Sinara ko na iyong libro saka inabangan iyong pagpasok niya. As usual he’s wearing a pair of sweats and a plain white shirt.

Matapos maisara iyong bintana ay tumingin siya sa akin at sinuklay ng mga daliri iyong medyo nagulong buhok.

My breath hitched. Dale could really look gorgeous even in his simplest clothes, in his disheveled hair.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon