23

1.8K 89 24
                                    

23 : Why Me

Lumipas ang oras at dumating na ang lunchtime. Nandito pa rin ang weird feeling na naramdaman ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cheska kanina.

Parang ayaw ko na ngang tumuloy sa lunch date namin ni Brent. Pero kapag di ako pumunta dun, para ko na ring sinabing gagawin ko ang utos ni Cheska - ang layuan si Brent.

Heaving out a sigh, I started to go downstairs. Kanina pa pumunta si Addison sa cafeteria para maglunch. Nag-excuse lang ako para iwanan ang ilang gamit sa locker ko.

Pagkababa ko ng hagdan ay naglakad na ako papuntang parking lot - kung saan alam kong maghihintay si Brent.

Kanina, sabay kaming pumunta ng P.E. classes namin. It was so sweet of him at sinundo niya pa ako ng classroom.

At yung excitement niya tungkol sa lunch date namin, hindi pa rin nawawala. Panay nga ang tanong niya kung saan ko gustong maglunch.

Sinabi ko na kahit saan nya gusto, okay lang sa akin.

At yun, napagdesisyunan niya na sa bagong bukas na Italian restaurant na lang ako dalhin. Perfect timing dahil nagkecrave ako ng pasta ngayon.

Nang marating ko na ang kotse ni Brent ay wala pa siya doon.

Nasaan kaya yun? Dapat nandito na siya.

Sumandal muna ako sa gilid at inabala ang sarili sa pagmasid sa park na katapat lang ng parking lot.

Hindi pa nagkatagal mula nang simulan ko ang pagtingin sa park nang may nagsalita sa gilid ko.

"Date?" tanong ng boses na kilalang-kilala ko.

I looked at my side and saw him staring at the park, too.

"Yeah," sagot ko. "Kayo rin ni Cheska?"

He nodded.

Iniwas ko na ang tingin ko pagkatapos nasundan na ng isang nakakabinging katahimikan.

At hindi rin nagtagal, dumating na ang kontrabida ng buhay ko, si Cheska.

"Dale," she purred then linked her arm to his. "Bakit dito ka naghihintay? Bakit di sa car mo?" maarte nitong tanong.

Pero hindi sumagot si Dale at yun na ang oras kung kailan napansin ako ni Cheska. "Oh hi, Reese," tila gulat nitong bati. Ngumiti lang ako.

"Waiting for Brent?"

Tumango ako. Doon naman nagsalita si Dale at nagsabing pupunta na nang sasakyan niya.

Habang si Cheska ay nagsabi na susunod na lang. Hindi na sumagot pa si Dale at naglakad na papalayo.

Samantala, si Cheska ay hinarap naman ako.

She laughed. "Hindi ko alam, babae na pala ngayon ang naghihintay sa lalaki."

I just ignored her but she continued. "Baka mamuti ang mga mata mo kahihintay, Reese. Kasi baka wala ka ng hinihintay," sabi nito at alam kong may kakaiba sa tono ng pananalita nito. Pero nanatili akong tahimik.

Napansin rin siguro ni Cheska na hindi ko balak makipagsagutan dito kaya ngumisi na lang ito at saka sumunod na kay Dale.

Nang alam kong medyo nakalayo na ito ay sinundan ko ito ng tingin.

Nakita kong binuksan nito ang sasakyan ni Dale pero maya-maya ay lumabas din at naglakad papalayo, parang may kausap sa cellphone. Hindi pa sila aalis?

Binalik ko na ang tingin sa park. Tamang-tama naman na nakita kong papalapit na si Brent.

I smiled but that instantly wiped away when I saw his expression. He seemed pissed. Of what? I don't know.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon