18 : Tears
The morning came and I was awakened by the ringing of the alarm clock.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata at inihilig ang ulo sa gilid. The other side of the bed was empty. Wala si Dale.
This was a first. Naunahan niya akong magising. Napahinga ako nang malalim. Iniiwasan niya talaga ako.
Bumango na ako at pinatay ang maingay na alarm clock. Ewan ko kung ano ang gugustuhin ko—kung manantili kaming ganoon sa dati or ngayon na iniiwasan namin ang isa't-isa.
I just shrugged it off then stood up. Hindi dapat sa feelings ko lang for Dale umiikot ang mundo ko. I still had many things to deal with.
Sumabay sa amin si Dale magbreakfast pero walang bawas ang pancake ko.At parang iba talaga kapag di ko nakikita ang kagat niya dito.
Na para bang hindi ito normal para sa akin.
I sliced a small piece of it and stuffed it in my mouth.Bakit parang nakikiisa yung pancake sa nararamdaman ko? Medyo mapait ang lasa. Hindi naman ito ganito dati ah.
"Theo, bakit ganito ang pancake?" tanong ko kay Theo nang tingnan ko ang kapatid ko, nag-angat ako ng kilay.
"Bakit? Anong meron sa pancake?" taka niyang tanong.
"Bakit mapait?" tanong ko.
"Anong mapait? Eh... ewan ko," he trailed off then looked at Dale, "Ah—"
"Theo, hindi pala ako sasabay. I'll bring my car," putol ni Dale sa sasabihin ni Theo.
I rolled my eyes at him. Nice move para mainterrupt ang pag-uusap namin ni Theo. Asar!
Nanahimik na lang ako at tinuloy ang pagkain sa mapait na pancake.
"Bakit ihahatid mo ba si new girl?" tanong ni Theo sa mapaglarong tono.
I stiffened. Pag-uusapan ba nila si Cheska sa harapan ko?
"Okay lang ba?" Dale asked nonchalantly.
Theo shrugged. "Bakit naman hindi magiging okay?"
"She's a year level lower than us," Dale casually answered.
"And so? Come on Dale, nakalimutan mo na ba? Ikaw ang gumawa ng rule about that same year level thing," sabi ni Theo.
I just heard Dale sighed.
Theo chuckled lightly. "Ang hindi ko lang maintindihan, si Cheska pa. Hindi ba’t asar ka d’un? Don't tell me the-more-you-hate-the-more-you-love stuff worked on you?"
Sasagot pa lang si Dale nang tumayo ako’t pabagsak na ibinaba ang bread knife at tinidor.I focused my eyes on Theo who was now looking at me with surprised eyes. Pinilit ko namang hindi pumatak ang nagbabadya kong mga luha.
"Mauna na ako, Theo. I forgot may assignment pa pala kaming gagawin ni Addie," I managed to choke out.
"Huh? Eh sinong maghahatid sayo? Di pa ako tapos," he asked.
"Susunduin ako ni Addie sa labas ng gate ng subdivision," sagot ko.
I didn't wait for him to answer. Instead, I walked up to him and kissed his cheek. "Bye, Theo."
"Hindi mo man lang kinain yung breakfast mo," sabi niya nang makalayo ako.
I just smiled at him. "Sige na. Mauna na ako."
And with that, umalis ako nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Dale.
And the moment I turned my back at them, a tear fell down from my left eye.Ang hirap magpanggap na okay lang sa akin ang lahat kung sa loob ko’y pakiramdam ko’y, unti-unti akong namamatay. I heaved out a sigh and finally, walked out of the house.
Walang totoo sa sinabi ko kanina. Wala naman talaga kaming assignment na gagawin. At hindi totoo na susunduin ako ni Addison. Gusto ko lang makatakas sa usapan nila kanina dahil sobra na akong nasasaktan.Kelan ba matatapos ito? Kelan ko ba makakalimutan si Dale? Kung pwede lang sanang maibalik ang dating nararamdaman ko sa kanya—him being just a jerk who I hated so much for pissing me off all the time.
Ang hirap na wala akong masabihan ng nararamdaman ko. I wish I had the courage to tell it to Addison.
I was now standing right in front of the subdivision's gate for already ten minutes.
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...