37

754 40 2
                                        

37: Acceptance

"SO," umpisa ni Addison nang makasettle down na kami sa upuan ng café. Dito ko siya dinala pagkatapos ng klase.

Kita ko na rin ang pagkainip sa mukha niya. Paano, inaasahan niyang sa bahay na kami agad didiretso. Nagpaalam siya sa parents niyang sa bahay magdidinner dahil may tatapusin kaming project. Pero ang main reason—dadalawin niya talaga si Theo.

But I also decided na ngayon sabihin sa kanya ang totoo. For sure, nasa bahay muli si Tita Marielle. At hindi ko naman pwedeng sabihan si tita na huwag munang maingay tungkol sa amin ni Dale. Isa pa, kailangan na ring malaman ni Addison ang tungkol dito.

"Inumin mo muna 'yang frappe mo," sabi ko sa kanya at tinuro yung inumin sa harapan niya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Pasalamat ka't libre mo tong frappe, dahil kung hindi, talagang nag-alburuto na ako dito kanina pa. At siguraduhin mo lang din na importante yang sasabihin mo sa akin, Reese ha. Dahil kung hindi yan mas importante kesa sa dapat na pagsasama na namin ni Theo ngayon ay hindi talaga kita mapapatawad."

Napangiwi ako at pinanood siyang uminom. Inabot ko rin iyong fruit tea ko at sumipsip doon.

"Ano na?" tanong ni Addison matapos mababa muli iyong inumin niya.

Huminga ako nang malalim, inihanda ang sarili saka sinabi na sa kanya. "Kami na ni Dale."

Tinitigan lang ako ni Addison, bago unti-unting nanlaki ang mga mata niya at sa huli'y biglang lumiit iyon, tiningnan ako nang masama. "Loka-loka ka! Kelan pa ha?"

"Remember about the Brent incident? Nung niligtas din ako ni Dale? Since that day," amin ko.

Napanganga si Addison. "Ang tagal na n'un ah! Gan'un mon a katagal tinatago sa akin? Grabe, Ma. Therese Madrigal!"

Nalukot ang mukha ko roon. Mukhang galit na nga itong si Addison sa pagtatago ko sa kanya. Kaya't nagpaliwanag na ako. "Sorry. It's not my intention na hindi sabihin. Pero nag-agree kami ni Dale na itago muna sa lahat kasi nga magiging complicated. At alam mo naman 'yung status niya sa girls, diba? So, kahit na best friends sila ni Theo ay no-no yung kapatid ko kay Dale. Kaya 'yun. But the unexpected happened, nahuli kami ni Theo and found out about our relationship. Kaya ngayon, medyo may gap sila ni Dale."

"That's the reason why hindi niyo kasabay si Dale lagi," dugtong pa ni Addison. Tumango lang ako.

"Oh. I am really surprised and still mad at you for not telling me," dagdag niya. "Pero onti lang since I understand where you're coming from. Sobrang valid naman kasi ng reason mo. Though, know what? Expected ko nang magiging kayo ni Dale. Just not that soon. Grabe ha, wala palang nangyaring ligawan sa inyo, ano? Aminan lang tapos kayo na agad-agad?"

"Are you really gonna mock me?" sinimangutan ko si Addison.

Natawa naman siya. "Cute mo dyan, Reese. And loka-loka ka, nagtatanong lang po ako nang maayos no! Hindi kita inaasar. Masyado kang assuming."

Sumimangot pa rin ako.

"Pero maiba tayo, tapos na yung shocking news. Wala bang juicy details dyan?"

"Ha?" taka kong tanong kay Addison. Ano ba 'tong pinagsasabi ng babae na 'to?

Inismiran niya ako. "Sa inyo ni Dale." Lumapit pa siya sa akin saka bumulong. "Ano nang mga ginawa niyo as lovers?"

Nanlaki ang mata ko saka napanganga. "Addison!" suway ko sa kanya.

Natawa naman siya. "What? Masyadong sensual tingnan yang boyfriend mo so curious ako. Saka hello! We both know kung gaano yan katinik sa chicks so don't tell me hanggang holding hands lang kayo."

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon