4

2.7K 95 2
                                        

4: Bedmate

     Narating namin ang bahay. Bababa dapat ako para buksan ang gate pero naunahan na ako ni Dale. Hinayaan ko na lang siya at nanatili sa kinauupuan ko.

Nang bumukas iyon ay pinarada na ni Theo ang sasakyan sa loob saka pinatay ang makina. Doon na ako lumabas ng sasakyan, maging si Theo na halos kasunod ko lang.

"Dude, sa inyo ako magdi-dinner ah," narinig kong sabi ni Dale.

Inikot ko ang mga mata. Hindi ko talaga alam kung bakit sa amin niya gustong-gusto kumain gayong may bahay naman sila.

Ang totoo, sa kabila lang ang bahay nina Dale. Yep. Kabitbahay namin sila. Ang tanging naghihiwalay lang sa bahay namin sa kanila ay iyong asul na seven feet na pader.

"Sure," walang pagdadalawang-isip na sagot ng kapatid ko.

Naglakad naman na ako papasok sa loob nang marinig kong nagsalita na naman si Dale.

"See you later, sweetheart."

Agad na nalukot ang mukha mo. Kainis talaga siya. Pero wala akong ginawa para lingunin siya at tumuloy na sa porch, in-unlock ang front door at pumasok sa loob.

Two-storey itong bahay naman. Mayroong limang na silid, dalawa dito sa ibaba at tatlo naman sa itaas. Ang kwarto ni Theo ay naroon sa itaas, gayon din kay Mommy. Samantalang ako naman ay dito sa ibaba. Yung isang kwarto ay guest room tapos yung isa'y mini game room slash library.

Dumiretso na ako sa kwarto ko't binaba ang gamit sa study table pagkatapos ay pabagsak na humiga sa kama. Napatingin ako sa kisame kung saan ay puno ng glow in the dark moon and stars wall stickers. Naroroon na iyon simula noong unang linggo kaming lumipat dito. At hanggang ngayon nga'y naririyan pa rin sila.

Mom thought of it. Ever since I started to have those dreams. Na kapag mayroong nagsisilbing liwanag sa kwarto ko ay makatulong iyon sa paghimbing ng tulog ko.

But little did she know those glowing figures never helped me. Oo, maganda silang tingnan. Nakakaaliw. But sometimes things are just beautiful; yet still they don't have an effect on you.

Patuloy ko lang tiningnan ang mga bagay na iyon hanggang sa unti-unti ko nang nadama ang pagbigat ng mga mata.

***

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero nang dahan-dahan kong iminulat ang mga mata'y naaninag ko na ang mumunting ilaw sa kisame ko. The moon and stars, they were now glowing.

Napahikab ako kasabay ng pag-inat ng mga kamay.

Doon ay mayroong mahinang natawa. Napamulaga ako't natigilan, sunod ang pagtingin sa gilid, sa kinaroroonan ng sofa, kung saan nanggaling ang tinig.

Agad na tumaas ang kilay ko nang makita ang pigura na naroroon. At sapat lang ang liwanag sa silid para malaman kung sino ito.

Inalis niya ang paa sa pagkakade-kuwatro saka nagsalita. "Ang tagal mong gumising, sweetheart."

Napasinghal ako saka tuluyan nang bumangon at muli siyang hinarap. Hindi naman maiwasan ng mga mata kong maglakbay sa kabuuan niya. Agad kong napansin na iba na ang mga damit nito—v-neck na tshirt at ripped jeans. And the way he was sitting on my sofa right now looked like he's posing for some magazine photoshoot. I snorted. He's overdressed. Kakain lang ng dinner, nakaganyan pang suot.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon