14

1.6K 53 3
                                    

14 : Operation Dale

Mabilis na lumipas ang oras at bago ko pa malaman, uwian na naman. Nothing happened that was eventful. Still the same, typical lang na nangyayari sa araw-araw kong pagpasok.

Sasabay sa amin pauwi si Addison. Sasama kasi siya sa bahay. Kailangan naming mag-isip ng new plan para sa Op. D.

Palabas na kami ng gate nang mapansin ko na hindi kami pumunta sa parking area.

Nakalimutan ba ni Theo na may dala kaming sasakyan?

"Theo. Bakit na tayo nandito? Nasaan na ang sasakyan mo?" tanong ko.

"Nandun nakapark malapit sa bakeshop," sagot niya.

"Huh? Bakit?"

"Nauna na kasi si Dale dun. Kanina pa nga eh. Baka kasi kung sa parking lot ng school pananatilihin yun, tambangan tayo ng mga girls na humahabol kay Dale," sagot niya.

I just nodded my head. Pagkatapos ay sumunod na kay Theo sa labas.

*

"Ang weird ng mga Grade 11 ngayon," sabi ni Dale.

Nasa sasakyan na kami ngayon, pauwi ng bahay.

"Sinabi mo pa. Hindi naman sila ganyan ka-aggressive noon. Baka naman kung ano ang pinakain mo sa kanila Dale," tukso ni Theo.

"Wala ah," tanggi ni Dale pagkatapos ay lumingon sa amin ni Addison, "May alam ba kayo tungkol dito?"

Sabay kaming umiling ni Addison tapos ay parehong iniwasan ng tingin si Dale.

Hindi na siya nagtanong pa at umayos na sa pagkakaupo.

Ilang sandali pa at narating na namin ang bahay.

"Addie, anong plano natin ngayon?" bulong ko kay Addison nang makababa kami ng kotse.

"Kailangan nating mapagswimming si Dale," bulong niya pabalik.

"Paano?" tanong ko.

She winked at me. "Akong bahala."

*

"Okay na ba yan?" tanong ko kay Addison habang inaabot ang white two-piece swimsuit. Ang arte kasi. Nakatatlong pairs na ako ng swimsuit na naaabot sa kanya, wala naman siyang mapili-pili.

Ipinatong niya sa suot na blouse yung top habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

"Wala ka ba nung mas maliit pa?" she asked back.

I rolled my eyes at her. "Ano ba, Addie? Baka gusto mong magswimming na lang ng nude? Kanina ka pa paliit ng paliit dyan eh. Ang liliit na nga ng mga swimsuit na yan. Alam mo bang hindi ko nga sinusuot yan dahil sobrang liit? Halos wala ng matakpan."

"Hmp," maktol nya. "Okay na nga ito."

Napilitan lang.

Pumunta na siya sa CR para magpalit. But before she could go inside, she looked back at me.

"Ikaw Reese, hindi ka pa ba magpapalit?" tanong niya.

Binitawan ko ang inaayos na swimsuits at tumingin sa kanya. I shook my head. "Hindi ako pwedeng magswimming. May period ako ngayon," sagot ko.

She sighed. "Ako lang pala ang gagawa ng plan B."

"Sorry," I muttered then pouted my lips.

She just gave me a look tapos tuluyan nang pumasok ng banyo.

Later on, lumabas na si Addison na suot na lang ay robe habang ginugulo-gulo ang medyo curly niyang buhok.

"Reese pabango," sabi niya.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon