45

973 33 9
                                        

45: School Formal

"Do we really have to attend?"

Iyon ang binungad sa akin ni Dale nang makalabas ako ng kwarto. All the compliments I've received from Mom and the make-up artist were all gone as I heard that.

Ni hindi man lang niya pinuri ang suot ko, o ang itsura ko ngayon. Kahit man lang iyong buhok ko.

Hindi ko na naiwasan pa ang simangot na namuo sa labi ko.

Saka ko narinig si Mommy na natawa mula sa aking likuran. "Kaw talaga, Dale. Ayaw mo lang makita ng iba 'tong anak ko."

Napapalatak pa si Mommy. Kumunot naman ang noo ko. That's when Dale heaved a deep sigh. "Sobra, tita," sagot niya kay Mommy pero hindi niya pa rin maalis ang tingin sa akin. "Nakikita ko na po, mukhang marami akong kailangang tusuking mga mata mamaya."

That was when I finally understood what they were talking about. Okay, iyon pala ang ibig sabihin ng naunang tanong ni Dale. And to prove his point, he started to rove his eyes down on me. Ngunit hindi pa siya nakakahalati nang napailing siya bago binalik ang tingin sa mata ko.

He started to walk toward me then and I grabbed the chance to scrutinize him. Like I initially expected, hindi siya nagsuot ng tie. But the color of his suit...damn, nalaman niya ba ang kulay ng dress kong isusuot?

The suit he's wearing is gray, a little bit darker than the shade of my gown but still we were matching. Sa loob noon nakasuot siya ng white buttoned-up shirt, bukas ang naunang dalawang butones. I shook my head as he was hinting some skin. Ang suot naman niyang sapatos ay isang pares ng brown leather shoes.

Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya't napansin na bagong trimmed din ang kanyang buhok. Like always, walang gel o wax. But still, they looked so soft and neat right now. Nagpatreatment ba si Dale?

Dale smirked when he stopped just right in front of me. Halatang napansin ang ginawa kong pagsiyasat sa kanya.

"I know I'm handsome, you don't have to stare too hard," nakangisi pa rin siya nang mahina niya 'yang sinabi.

Natawa ako't napailing sa kanya. But I knew I can't deny what he just said. At mukhang hindi lang siya ang maraming tutusuking mata mamaya.

"You look like," umpisa ni Dale saka napabuntong-hininga, "like I just want to keep you here, Reese."

Mahina naman akong natawa. Not what I was expecting but I got to admit that's my most favorite compliment now.

I flipped my hair that's now in big, soft waves. "Too bad we have to attend the formal kasi required ang attendance. And if we don't start moving now, baka mamarkahan pa tayong late."

Napatango na lang si Dale saka nilahad ang kamay sa akin. "Shall we go now?"

Nakangiti ko namang inabot iyon pero bago pa kami makapagpaalam ay narinig ko muli ang boses ni Mommy. "Wait lang, children. You can't leave without me taking a picture of you two. Kabilin-bilinan sa akin ito ni Marielle."

Nagpalitan kami ng mahinang tawa ni Dale bago sabay na tumingin kay Mommy.

Itinaas niya ang phone niya't tinutok sa amin. "Sige na. Mag-pose na kayo dyan. Okay, three, two, one, smile!"

Ilang picture din ang kinuha sa amin ni Mommy bago kami hinatid sa labas ng gate kung saan nakaparada na ang sasakyan ni Dale. Inulit niya pa ang mga bilin niya. Wala kaming curfew ni Theo which means we can finish the formal as long as sabay kaming uuwi na dalawa.

At matapos sabihang mag-ingat ay hinayaan niya na kaming umalis ni Dale.

Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi kahit nasa loob na ng sasakyan. Sobrang puno pa rin ng excitement ang puso ko. Ito ang first party ko sa school. Never had the chance to attend prom dahil nung Grade 9 ako'y nagkaroon ako ng chicken pox sakto sa date ng prom then nung sumunod na taon, biglang inalis muna yung field trip at proms ng school dahil nagconcentrate sa mga projects for charity. Ngayon na lang ulit binalik at sobrang saya ko dahil mararanasan ko ito bago makagraduate sina Dale.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon