5: The Past
March 28. Iyan ang date ngayon. Ibig ding sabihin, 14th birthday ko.
Nandito kami ngayon sa isang beach resort. Ang totoo, pangalawang celebration ko na 'to. Noong isang araw ang huling araw ng klase kaya't nauna na akong magcelebrate sa bahay kasama 'yung mga kaklase ko.
Kaya akala ko talaga ay magigising ako ngayon ng parang isang normal na araw lang dahil nakapagcelebrate na. Hindi ko naman inaasahan na may sorpresa palang inihanda si Mommy para sa akin.
At kanina nga nang buksan ko ang mata'y nagulat na lang ako nang makitang nasa van na ako ng mga Carter. Si Tito Oliver 'yung nagdadrive habang si Tita Marielle, ang asawa nito ang naroon sa passenger's seat.
Nakita ko si Mommy doon sa bandang unahan, natutulog katabi iyong mga bag at si Nanay Josie, yung kasambahay ng mga Carter. Samantala si Theo naman ang naroon sa kanan ko, tulog din habang nakasandal doon sa headrest, takip ng sleeping mask ang mata.
Inurong ko pa ang katawan sa sandalan at napatigil. Doon ko pa lang napagtanto na medyo matigas ang sinasandalan ngayon. Patingin na dapat ako doon nang makarinig ng mahinang pagbulong. "Happy birthday, Tails."
Napangiti ako. Hindi ko alam pero masaya ako na kay Dale unang narinig ang pagbati sa birthday ko.
Marahan kong inangat ang mukha at tiningnan siya. Agad kong nakita ang depina niyang panga saka iyong labi na nakaangat ang isang gilid.
He was smirking. At hindi nagtagal nang ipihit niya ang ulo pababa hanggang sa hulihin ang aking mga mata. At napakurap ako sa kakaibang kislap sa mga mata niya.
"What?" bulong ni Dale, halos hindi nga bumuka ang kanyang bibig. Na para bang ingat na ingat siyang mayroong makarinig.
Hindi ako agad nakasagot at napatitig lang sa mga mata niya. Nang mas tumaas pa ang gilid ng kanyang labi ay saka ko pa lang napagtanto na may itinanong siya.
Bakit ba para akong natutulala?
"Thank you," bulong ko rin.
Ngumiti ng sandali si Dale saka muling bumulong. "Sleep."
And I did what he said. Ibinaba ko na ang tingin saka ninamnam ang balikat ni Dale. Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko, maingat na naakdantay doon, Pagkatapos nadama kong marahan na rin niyang sinandal ang ulo sa akin.
May maliit na ngiting sumilay sa aking labi. Parang mayroon pa akong naaninag na kislap ng ilaw kahit sa nakapikit ng mga mata. Ngunit hindi ko na iyon pinansin at hinayaang malamon na naman ang sarili ng antok.
Nang sunod na gumising ako'y narating na namin ang resort at halos sabay-sabay na "Happy Birthday" ang narinig ko.
Agad ko naman silang pinasalamatan saka tumuloy na kami sa nirentahang cottage para sa buong maghapon at sinimulan na naming icelebrate ang kaarawan ko.
Nang makapagbihis na ako pagkatapos magbanlaw ay naisipan kong dumiretso sa dalampasigan. Papalubog na kasi ang araw at nais ko iyong pagmasdan.
Maya't maya ang pagbuka ng labi ko dahil sa ganda ng kalangitan. Ang gandang pagmasdan ang halos maging pink ng kulay nito. Parang candy.
Naroon pa rin ang tingin ko nang may lumapit sa tabi ko. Tumingin ako sa gilid at nakitang nakamasid din si Dale sa kalangitan.
"Ang ganda 'no?" tanong ko nang maibalik ko ang tingin sa papalubog na araw.

BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Fiksi RemajaJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...