28

1.8K 73 17
                                        

28 : She's Back

Nagbabasa ako ng libro nang mayroong kumatok sa pinto kasunod ang pagbukas noon.

Napalingon ako at nakita ang nakasilip na si Theo.

"I'll be going," sabi niya. "Are you sure you'll be okay alone here?"

Tumango ako. "Oo naman," sagot ko. "Matanda na ako. So don't worry about me."

"Alright then," nagpakawala siya ng hininga. "Babalik din naman ako pero baka past twelve na."

I just nodded and didn't answer. Hindi na ako nagtanong kung bakit past twelve pa. Pero hindi ko rin naiwasan ang sariling isipin yung sinabi ni Dale kanina. Agad akong napailing. No. you're not going there, Reese. Don't make this unbearable.

I really regret it. Dapat ay hindi ko na iyon tinanong kay Dale eh.

"Just call me if you need me. Uuwi ako agad," paalala ni Theo.

Tinanguan ko ulit siya saka napangiti. "Sige. You enjoy."

Then he closed the door and I was left in our house.

I was not aware of the time but I still continued on what I was doing. At naistorbo lang nang marinig iyong bintana. Napataas ako ng kilay saka sinilip iyong orasan. Quarter to ten. He was back this early?

Sinara ko na iyong libro, maging iyong notebook at inayos ang pwesto noon sa ibabaw ng table. Tumayo na ako at pinanood si Dale na pumasok doon sa bintana. He was already wearing his sleeping clothes.

Mas napakunot ang noo ko. Nakapagbihis na rin siya. Ang bilis naman niya. Or umalis ba talaga siya?

Nang maisara ni Dale ang bintana ay agad napunta sa akin ang tingin niya. Naglakad siya papalapit sa akin, suot ang ngiting alam kong ."para sa akin lang. Lately, I've been getting that a lot from him. Pero yung dating sa akin ay parang laging bago lagi. Parang laging may kumikiliti sa tyan ko.

In no time, Dale reached where I stood. Agad na humawak ang kamay niya sa magkabila kong balikat saka bumaba ang mukha niya sa akin, ang mga labi'y dumampi sa aking noo.

Napangiti ako, dama ang pagdaloy ng kiliti sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko.

"Bakit nandito ka na?" tanong ko sa kanya, nag-angat ng tingin. "Hindi ka sumabay kay Theo?"

He shrugged his shoulders. "Mamaya pa ang uwi ng kapatid mo. And I don't want to be in that place anymore."

Napakunot naman ako ng noo. "Really? Ikaw?"

That was so hard to believe since Theo and him can be considered as party people. Lagi silang laman ng mga parties.

Dale chuckled at my confused face. "Yep," sagot niya saka marahang inilapit ang mukha sa akin, ang tingin ay bumaba sa labi ko saka muling bumalik sa mga mata. "Because I'd rather be here, with my girlfriend."

At nakatanga pa rin ako sa kanya nang sinara niya ang distansya ng mga mukha naming dalawa at mabilis na nilapatan ng halik ang labi ko.

Then he stood up straight and said, "Let's go to sleep."

Naiwan pa rin akong nakatingin sa kanya saka napasimangot. Iyon na 'yung good night kiss ko?

*

Five days. Dale and I were officially together for five days.

Ibig ding sabihin, limang araw na naming tinatago ang relasyon naming dalawa.

I must admit, mahirap itong ginagawa namin but at the same time it was kind of exciting and thrilling.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon