12

1.9K 62 2
                                    

12 : Lost

Patuloy na nakatingin si Theo sa likuran ko.

Siguradong lagot ako. Patay na talaga. Anong sasabihin ko pag tinanong nya kung bakit nandito si Dale? Siguradong magagalit sya. Paano kapag di niya ako paniwalaan? Paano kap—

"Bakit bukas ang aircon mo?" tanong ni Theo.

Ano daw? Aircon?

Bigla akong napalingon. Wala si Dale. Ibig sabihin hindi kami nahuli. Pero saan kaya siya nagtago?

"Hoy, Reese! Bakit bukas ang aircon?" tanong ulit ni Theo.

"Ah… naiwan siguro naming bukas ni Addison kanina," palusot ko.

"Hay naku,” buntong-hininga niya. “Eh ba't nagsisigaw ka?"

"Ano… uhmm… yung ano…” agad akong nag-isip ng madadahilan, “yung d-da... yung daga. Oo, may daga kasing dumaan, nagulat ako.”

Hindi agad sumagot si Theo at kinakabahan na talaga akong baka hindi siya maniwala sa alibi ko.

Pero maya-maya’y napahinga na lang siya nang malalim saka napailing. "Hindi ka kasi marunong maglinis ng kuwarto mo. Sige matulog ka na at nang maaga kang magising bukas tapos maglinis ka at nang hindi ka pinupuntahan ng daga dito."

Nang tumango ako sa kanya’y doon na siya na naglakad palabas ng kwarto. At nang sumara ang pinto sa likuran niya’y saka pa lang ako nakahinga nang maluwag.

Kamuntik na ‘yun ah.

Maya-maya, bumukas ang pintuan ng CR at lumabas si Dale.

"Daga pala ah," tukso niya saka ngumisi at naglakad na papunta doon sa kama.

Sinamaan ko naman siya ng tingin habang sinusundan ng mga mata. Sa isipan ay sinagot iyong sinabi niya. Oo daga ka naman para sa akin eh kung minsan. Peste, lalo na pag ginagawan mo ako ng kalokohan.

"Muntik ka na dun, Tails," sabi niya at umupo sa gilid ng kama.

"Anong ako? Tayong dalawa kaya ang parehong lagot kung nagkataon. Ikaw kasi pabigla-bigla kang sumusulpot," sisi ko.

"Alam mo naman na dito ako natutulog ah. Ewan ko ba sayo at para kang gulat na gulat na may tao sa kwarto mo," aniya.

"Hindi ko alam. Biglang nawala sa isip ko eh," mahina kong sagot.

Hindi siya sumagot pero tumayo at unti-unting naglakad papalapit sa akin.

Buong pagtataka ko siyang tinitigan. Anong balak niyang gawin?

Hindi ko namalayan inuurong ko din pala ang paa ko hanggang sa tumigil nang maabot ang pinto.

Pero si Dale patuloy pa rin sa paglapit.

Huminto siya sa harap ko.

Pagkatapos ay inilagay ang tig-isang kamay sa gilid ko.

"Dale," kinakabahan kong sabi.

Hindi siya sumagot tapos ay unti-unting bumaba ang mukha niya sa akin.

Napapikit ako. OMG! Hahalikan niya ba ako? Anong meron? Waaaah!

At bakit naman ako nakapikit? Talaga bang wala akong gagawin?

Iminulat ko ang mata at handa na siyang itulak palayo sa akin nang makitang may ilang inches pa ang layo naming dalawa. Pero napataas na ang kilay ko nang marinig siyang sumisinghot.

"Hey! Anong ginagawa mo?" taka kong tanong.

"Inaamoy ka. Baka kasi uminom ka kaya parang wala ka sa sarili mo," sagot niya.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon