46

930 29 0
                                    

46: Attack

Takip-takip pa rin ang bibig ko, hinila ako ng kung sinumang may hawak sa akin ngayon patungo kung saan. Nagpumilit akong magpumiglas ngunit nakadama ako ng unti-unting panghihina. May kung ano akong naaamoy mula sa makapas na gwantes nitong suot, parang gamot. Ngunit sigurado akong may kakaiba doon dahil nakakaramdam na rin ako ng hilo ngayon.

Pumasok kami doon sa isang kwarto, sa tabi lang ng hallway. At naanigan ng liwanag mula sa poste sa labas iyong mga tissue na nakasalansan sa cabinet at ilang piraso ng mga basahan. Mga gamit panglinis.

Ngunit sandali lang iyon dahil tinulak ako nung may hawak sa akin at sinara na iyong pinto. Nadinig ko pa ang click ng lock. At doo'y nanlamig ang buong katawan ko. Sino ito? Anong kailangan nito sa akin? Iyon ang mga katanungang nais kong malaman ang kasagutan ngunit wala akong magawa dahil sa takip sa bibig ko.

Sari-saring senaryo na ang nasa isipan ko. Wala akong tiyak kung anong mangyayari sa mga iyon ngunit isa lang ang alam ko—nasa panganib ako.

At kinunan ako ng lakas para makalaban ng pangahas na ito.

Hindi nga nagtagal nang nadama ko ang pagbigay ng mga tuhod. Bumagsak ako ngunit agad nito akong nasalo.

Natawa ito at nanginig ako nang madama ang mainit nitong hininga sa likod ng leeg ko. At parang gusto kong masuka nang umikit ang nakabuka nitong labi doon.

Sinubukan kong magpumiglas muli ngunit gaya nang inaasahan ay walang lakas ang lumabas mula sa akin.

Natawa iyong kumuha sa akin. Malalim, parang mula sa ilalim ng lupa. At naisip ko na bagay ang tunog dito dahil sa ginagawa nito ngayon. At natatakot ako sa mga kademonyohan na maaari nitong gawin sa akin.

Na hindi ko dapat hayaan. Kailangan ay makaisip ako ng paraan kung paano makakawala dito.

Kaya't nang hawakan ako nito sa balikat at unti-unting inihiga doon sa malamig na semento ay nagpadala lang ako. Dama ko na ang unti-unting panunumbalik ng lakas ngunit hindi ako maaring magpahalata.

Kapag makakuha ng tyempo ay tatakas ako. At hiling ko lang ngayon ay hinahanap na nila ako. Sana'y napansin ni Addison ang tagal ng hindi ko pagsunod.

Kinuha ko rin ang pagkakataon para alamin kung sino ito. Ngunit sa mumunting ilaw na pumasok mula doon sa maliit na awang ng bintana ay inaninag ko ang mukha ko. Subalit bigo rin akong makita iyong mabuti dahil parang mayroong nakatakip doon.

Inalis na nito ang kamay sa bibig ko at hindi rin ako gumawa ng ingay. Kahit nang madama ko iyong marahang humaplos sa buhok ko.

Ngunit nang bumaba na iyon sa leeg ko at marahang dumausdos patungo sa itaas ng dibdib ay hindi ko napigilan ang impit na sigaw.

Inalis nito ang kamay, mayroong dinukot doon sa jacket na suot at naestatwa ang buo kong katawan nang maramdaman ang malamig na bakal na nakadikit sa baba ko. At base sa pabilog na hugis ng dulo ng nito'y alam kong baril ang nakatutok sa akin ngayon.

"Sshh," bulong nito sa tenga ko at nadama ko na naman ang labi nito sa ilalim ng tenga ko pababa sa leeg.

Nadama ko ang pag-init ng mga mata sa takot subalit kinagat na lang ang labi dahil sa takot na baka iputok nito iyon sa anumang ingay na gagawin ko.

Umalis ito sa leeg ko at nagsimula na namang maglabay ang malaya nitong kamay. Ngayon ay mas mapusok dahil dumiretso iyon sa dibdib ko. At napaiyak na lang akong muli, kagat-kagat pa rin ang labi.

Tumagal ng ilang segundo ang paglapastangan ng kamay nito doon bago iyon bumaba at nanginig na ang mga kalamnan ko sa panibagong takot na bumalot sa akin.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon