11

2K 71 3
                                    

11 : Cinderella

Nakatitig pa rin ako kay Brent nang ngumiti siya at saka sinuksok ang parehong kamay sa bulsa nung pants. “Hi there. Bakit mag-isa ka?”

Nahihiya akong napangiti. “Gusto ko sanang mapag-isa.”

His mouth formed a little O before he said. “Oops. Naaabala pala kita. I shouldn’t be in here. Sorry.”

Akmang aalis na siya nang matagpuan kong muli ang boses ko. “Wait.”

He stopped and looked at me.

Nagpatuloy naman ako. “Okay lang. I mean...you can stay if you want.”

Doo’y ngumiti na si Brent saka inalis iyong kamay sa bulsa para tumungo’t hubarin iyong sapatos at medyas. Tiniklop niya rin yung jeans na suot saka lumapit sa pwesto ko’t umupo sa aking gilid.

At gaya ng mga paa ko, nilublob niya rin yung kanya sa tubig.

Naalala ko naman iyong ginawa niya kanina, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat. “Thank you pala kanina.”

Ngumiti siya sa akin. “No problem.”

Pagkatapos ay nabalot kami ng katahimikan. At hindi ko naman napigilan muling magsalita. “Paano mo pala nalaman?”

Napatingin na naman sa akin si Brent, tumaas ang kilay niya. “Ang ano?”

“Na ayaw kong ma...kiss,” mahina kong sagot lalo na doon sa dulo.

Ngumiti siyang muli. “Nasa likod niyo ako nung nag-uusap kayo ng friend mo. Narinig ko yung mga sinabi mo. And though hindi mo sinabi directly, I could feel it, you’re not interested with the game. Ayaw mong magpahalik,” sagot niya.

Tumango lang ako at ibinalik ang tingin sa tubig.

Ang weird, we’re talking about kiss.

Silence.

“Know what? You’re different,” biglang sinabi ni Brent.

“What do you mean?” tanong ko at tumingin ulit sa kanya.

“You… you’re different sa lahat ng girls na nandito,” he answered.

Natawa ako. “Because of my clothes? Kasi ako lang ang naka-jeans while everyone is in their skirts and dresses? Ganun ba?” tanong ko.

Umiling siya habang nangingiti. Then he turned his face into a serious one. “Nope. I mean yung personality mo, iba sa lahat. Iba sa lahat ng girls na nakilala ko. It’s weird ‘coz I just saw you but I can say that you’re beautiful not with just your physical appearance but deep within,” sabi niya habang tinititigan ako.

I cleared my throat then avoided his gaze.

“Kung yan ang sinasabi mo to get girls, sorry pero hindi ako tinatablahan ng mga ganyan,” sagot ko.

“Nagkakamali ka. Ikaw pa lang ang sinabihan ko ng ganyan. I told you, you’re different,” sabi niya.

Natigilan ako. Totoo ba ang mga pinagsasabi niya?

“And I know you’re not an easy girl and that what makes you more attractive,” dugtong niya.

I felt my cheeks grew hot. Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako nakareceive ng ganung compliment.

Tumingin ulit ako sa kanya, nakatingin na siya sa pool pero bigla ring tumingin sa akin. At hindi ako mapakali sa klase ng pagtingin niya sa akin ngayon. Iba ang epekto noon sa sistema ko.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon