32: Pancake
NAGBABASA ako nang history book nang biglang bumukas ang bintana. Eto na. Paano ko ba iiwasan ang pag-uusap na 'to? Nagpanggap pa din akong nagbabasa kahit nakapasok na siya. Maya-maya pa tumabi na siya sa akin sa couch.
"What are you reading?" tanong niya tapos naramdaman kong iniyakap niya ang kamay sa bewang ko.
"Assignment sa history," sagot ko pagkatapos sinara ang libro. "I'm tired, let's sleep."
Tatayo na dapat ako nanag hawakan ako ni Dale sa braso. "Not that fast Reese."
I tried to look at him innocently. "What?"
"Anong what? Nakalimutan mo na ba, may kailangan tayong pag-usapan. Anong nangyari sa airport?"
Napabuntong-hininga ako. Ayoko na ngang pag-usapan pa ang tungkol dun. Ewan ko, kasi ayoko talagang isiping may stalker ako, kahit yun lang ang ibig sabihin ng nangyayari sa akin. Gusto ko pa ding isipin na coincidence lang ang lahat. Na wala lang yun talaga.
"Ano na?" tanong ulit ni Dale. At nang di pa din ako sumasagot, nagsalita ulit siya. "At wag mong balaking magsinungaling sa akin dahil aalamin at aalamin ko ang totoo."
Mas lalo pa kong napabuntong-hininga. Paano ba ako makakalusot nito? At yun nga, nauwi ako sa pagkuwento kay Dale sa totoong nangyari, pero sinabi ko sa kanya na wag mag-alala. Na baka may topak lang yung kuya kanina at di naman talaga ako ang sadya.
"Bakit hindi mo sinabi agad?" parang asar niyang tanong. "Eh di sana nareport natin sa airport. For sure, may CCTV camera yun sa may labas ng CR, makikita natin kung sinong may gawa nun."
"Okay na, Dale. Wala namang nangyari diba? Malay natin, nangtitrip lang talaga."
"Sa ngayon Reese, wala pa. Eh paano kapag maulit yun? Paano kung ikaw talaga ang pakay nung lalaki? Paano kung stalker yun?"
Nakakatakot man, pero pareho kami ng iniisip ni Dale. Baka nga talaga stalker yun. Pero kahit na, he didn't do anything to harm me. At may tsansa pa din naman na hindi talaga siya stalker, diba?
"I don't think he's like that. Weird lang siguro yung guy sa airport. Just be glad na wala siyang ginawa sa aking hindi maganda. And trust me, hindi ko na makakaharap yun. Or if anything happens same as that, agad kong sasabihin sayo," I assured him as I squeezed his hand gently. "Kalimutan na natin yun. Tulog na tayo."
And I was glad that he agreed.
*
When I woke up the next morning, Dale was no longer beside me. Napasimangot ako, agad namiss 'yung presensiya niya sa tabi ko. Ngunit nang mapatingin ako sa orasan sa tabi't nakita kung anong oras na, nakahinga na rin ako nang maluwag. I woke up late than usual. Gising na si Theo. And most probably, he already checked on me.
Bumangon na rin ako, nag-inat saka nag-umpisa ng maghanda.
Nang matapos kong maiayos ang mga dadalhing gamit ay sinukbit ko na ang bag at lumabas na ng kwarto. At agad na dumapo ang ngiti sa labi ko nang makitang nakaupo na doon sa dining si Dale.
And as if sensing me looking at him, he looked over his shoulder and immediately smiled at me. Mas lumapad pa ang ngiti ko.
Dale always looks good. Pero ewan ko ba kapag ngumingiti siya, not his usual smirk but that one that reaches his eyes, sobrang nag-iiba yung aura niya. Like he looks hundred times better. And he likes me.
Tila nababasa kung ano ang nasa isipan ko, tumaas ang isang gilid ng labi ni Dale, transforming his smile to a smirk. And how much I wanted to wipe that smirk away with a kiss.
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...