8

2.4K 64 12
                                    

8: Invitation

"The important thing here is that you don't only memorize the formula. You also have to understand the concept. Kasi kung hindi mo iintindihin, madali mo lang makakalimutan," paalala ni Dale nang matapos maipaliwanag iyong topic na tinuturo niya. We also tried to answer two exercises about it.

So far, I was able to understand even a little bit of it. Medyo slow pa rin ako but at least I'm getting there. And I must commend how patient Dale was with me.

Maraming beses na pinaulit ko sa kanya iyong mga hindi ko talaga makuha. And he uncomplainingly did it. Wala man lang ni isang pang-aasar sa akin.

Well, honestly, I was kind of expected he would harass me about my complicated relationship with Math. But he didn't, much to my surprise. Basta behaved naman siya mula nung mag-umpisa kami hanggang ngayon.

And I couldn't help but caught myself watching him for a couple of times. Hindi ko alam. Minsan lang kasi ito. Na hindi nang-aasar sa akin si Dale. Na makita kong seryoso talaga siya pagdating sa pag-aaral. Na seryoso siya sa pagtuturo sa akin. Na seryoso siyang matulungan ako.

"Hey," sabi ni Dale sabay turo sa noo ko. "Nakikinig ka pa ba?"

I blinked at him then sat up straight, nodding. "Oo naman."

Dale smirked. "Talaga ba?" pagkumpirma niya. "Ano 'yung huli kong sinabi?"

"Something about the formula and the concept," confident kong sagot, pilit na tinatago ang pagkatulala kanina.

Mahinang natawa si Dale, wala namang sinabing negatibo. And I just assumed he didn't said anything more after I zoned out.

"Alright then," aniya saka iniharap sa akin 'yung libro. "Let's see if you've learned something. Try to answer the third problem. Do all you can do then if you don't understand something, feel free to ask."

Pagkatapos noon ay kinuha na ni Dale ang cellphone sa bulsa at doon na inabala ang sarili.

Tinitigan ko naman iyong libro at binasa iyong problem saka sinubukang alalahanin 'yung mga sinolve na problems ni Dale kanina. I then sighed as I turned my pad of paper for another clean sheet. Let's do this.

I put all of my focus on the problem. Inalala ko 'yung bawat steps na itinuro ni Dale kanina kung paano ito masosolve. And somehow, I was making progress. Medyo nakaka-move forward naman ako. Mabagal pero at least may progress.

Iniisip ko kung paano na nga iyong susunod na gagawin habang kinakagat iyong dulo ng lapis. One of my bad habits. Ang isipan ko'y naroon pa rin nang hindi ko nalamayan ang paglapit ng kamay ni Dale sa mukha ko.

Kinuha niya iyong buhok na bumagsak na sa harap ng mata ko't maingat na isinuksok sa likuran ng tenga. Hindi ko naman napigilan ang sarili't inangat ang tingin sa kanya. At halos mapalunok ako nang mapagtantong ang lapit-lapit lang ng mga mukha namin sa isa't isa.

Agad akong gumalaw at umatras, nagbigay ng distansya sa pagitan naming dalawa.

Pero si Dale ay walang ginawa. Ang totoo'y patuloy lang siya sa pagtitig sa akin at pakiramdam ko'y parang naaapektuhan na noon ang pagpintig ng puso ko.

"Don't do that," suway ko na sa kanya.

Hindi naman natinag si Dale at patuloy lang sa seryosong pagtingin sa akin. "Bakit?"

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon