13 : Bet
Nakapagregister na ako sa bet. Hindi ko alam kung ano bang iniisip ko at sumali ako. Pero nung marinig ko ang tungkol sa pot money, go na lang. Nangangailangan eh.
Kailangan kong manalo sa bet. Kailangan kong maunahan ang mahigit seventy na girls sa pagkuha ng picture ni Dale na nakatopless. Paano ko kaya gagawin yun?
"Reese, anong iniisip mo?" pukaw ni Addison sa atensyon ko. Nakaupo na kami sa classroom, inaantay si Ms. Reyes.
"Yung bet," sagot ko kasabay ng isang buntong hininga.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya mo yan. Basta ang isipin mo, nabawasan na ng isa ang kalaban mo kasi tutulungan na kitang manalo dun."
Nginitian ko siya. "Salamat, Addie."
Maya-maya pa ay dumating na si Ms. Reyes at nag-umpisa na ang klase namin.
Nang matapos ang English ay lumabas na kami agad papunta ng gym. Naglalakad na kami sa hallway nang di ko inaasahang masasalubong si Brent. Iniwasan ko buong weekend ang mga tawag at texts niya. Anong sasabihin ko sa kanya ngayon?
"Hi, Reese," bati ni Brent.
"Hello," asiwa kong sagot. Medyo awkward talaga dahil parang binalewala ko siya nitong weekend.
"Going to the gym?" tanong ni Brent.
Nalukot ang mukha ko. Oo nga pala. Sabay ang PE ng lahat ng bawat grade.
"Hindi pa eh," sagot ko. "May dadaanan pa kami ni Addison." Hindi ko na hinintay pang makasagot siya at hinila na ang kamay ng kaibigan ko. "Sige, bye."
Pagkasabi n'un ay mabilis na kaming naglakad papalayo.
"Hoy, wala naman tayong dadaanan ha," sita sa akin ni Addison habang bumababa na kami ng hagdan.
"Wala nga," guilty kong sagot.
"Eh bakit sinabi mo kay Brent meron?" kuryosong tanong ni Addison. "Yung totoo, Reese. Iniiwasan mo ba sya?"
Huminto ako sa paghakbang tapos ay tumingin sa kanya.
I pouted. "Nahihiya ako eh. Hindi ko siya kinausap nung tumawag siya sa akin."
"Parang okay lang naman sa kanya eh," balik sa akin ni Addison. "Tingnan mo nga siya pa ang unang kumausap sayo."
She had a point. Gan'un nga ang inasta ni Brent kanina. Na parang okay lang sa amin ang lahat. Pero, iba pa rin kasi ngayon. Problemado pa ako.
"Basta, Addie, wag muna ngayon," sabi ko. "Saka ko na lang iintindihin si Brent pag naayos ko na ang problema ko."
"Sige kung yan ang gusto mo," sabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nang papasok na kami ng gym ay siya namang paglabas ng ilan sa mga classmate namin.
"Justin," tawag ko sa isa naming classmate. Saka nagtanong, "Bakit nagsisilabasan na kayo?"
"Walang PE, Reese," sagot niya.
"Huh? Bakit? Nasaan si Mr. Ruiz," taka kong tanong.
"May practice ang basketball team ngayon. Wala ata yung coach nila kaya si Mr. Ruiz muna ang sub," sagot niya.
"Talaga? Eh nasaan sila nagpapractice?" tanong ni Addison.
"Dun sa isang gym," sagot ni Justin.
"Pupunta ba kayo dun para manood?" tanong ulit ni Addison.
Umiling si Justin. "Gustuhin man namin, di pwede eh. Private practice yung nagaganap ngayon. Bawal manood."
"Ganun?" malungkot na tanong ni Addison.

BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
JugendliteraturJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...