21

1.7K 63 5
                                    

21 : Shrooms

Iniwas ko na ang tingin sa kanya at humakbang na papasok sa gate. Pero hindi pa ako nakakalagpas ng gate nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

And I was electrified. I felt sparks run through my whole body.

Kainis naman! Bakit ba sa simpleng hawak niya lang ay naaapektuhan na ako ng ganito?

"Sandali lang," sabi niya.

Umikot ako't tumingin sa kanya tapos inilipat ko ang tingin sa kamay niyang nakahawak pa rin sa akin. He saw it too then immediately removed his hand on me.

"Sa pagtulog natin mamaya, wait till Addison sleep. Ganun din ako kay Theo tapos magkita na lang tayo sa living room," sabi niya.

Doon ko lang napansin na nakapagpalit na pala siya ng damit. Dito siya matutulog. No, I mean lagi naman siya dito natutulog. Pero... mag-isleep-over. Oo, yun nga ang right term.

I nodded. "Sige," sagot ko at pumasok na sa loob.

Pagdating ko sa loob ng bahay ay nagulat ako nang makita si Addison na hawak-hawak ang ulo habang nakaakbay kay Theo. Si Theo naman ay inaaalalayan siya sa bewang.

"Anong nangyari dito?" gulat kong tanong.

"Si Addison kasi, ininom yung baso ng scotch sa ref. Akala ata juice. Ayan natutumba-tumba," sagot ni Theo.

Lumapit ako sa kanila at hinawakan sa balikat si Addison. "Okay ka lang ba, Addie? Gusto mo na bang pumunta sa kwarto at mahiga?" tanong ko.

Bigla siyang umalis sa pagkakaakbay kay Theo at tiningnan ako habang ngumingiti na parang nahihiya. "Okay na ko, Reese."

I narrowed my eyes at her. Iniwas naman niya ang tingin at tiningnan si Theo.

"Theo, thanks ha," sabi niya dito.

Ugh. Sabi ko na nga lang ba, umaarte lang si Addison. Gusto lang makaakbay kay Theo.

*
Dahil maaga pa naman, naisipan ng lahat na manood ng movie. Gusto ko sana ng chick flick pero gusto ng boys ng nakakatakot.

At si Addison na dapat ako ang suportahan ay nakiayon sa mga boys. Ano nga naman ang magagawa ko di ba? Mag-isa lang ako, tatlo sila. So, in the end, nagdecide ang lahat na ang panoorin ay ang Shrooms.

Mukha namang di nakakatakot. Tunog pagkain eh.

Nagpaalam muna ako na magsi-CR saglit. Baka di ko na kasi yun magawa kapag nag-umpisa na ang movie.

At kabilin-bilinan ko sa kanila na wag na wag yun sisimulan hangga't wala pa ako. Baka kasi di na ako makabalik ng living room na di nanginginig ang tuhod sa takot.

Nang makabalik ako ay nakaupo na sina Dale at Theo sa couch, sa gitna. Balak ko sana na doon sa tabi ni Theo umupo pero biglang dumating si Addison at inunahan ako.

Balak ko pa sana siyang paalisin pero nakita ko na ang-uusap na sila ni Theo. Ayoko namang makasira ng moment.

Hay. No choice na talaga kundi sa tabi ni Dale.

Umupo ako sa pinakagilid ng sofa. At kahit pa sabihing may distansya pa na naghihiwalay sa aming dalawa, hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman ang init ng katawan niya.

I glanced at my side, and his strong arm came into my view. Bakit parang gusto ko siyang yakapin? I moved my eyes up at nadaanan ko ang balikat niya, his tanned neck, his luscious lips, his perfect nose, and finally those dashing eyes that were staring back at me now.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon