15 : The Plan
My nervousness reached a higher level. Nagsisimula na akong pagpawisan habang ang puso ko, kay bilis ng pintig.
Ano ba yan? Parang mahihimatay na ata ako sa kaba nang hindi pa nasisimulan ang plano.
"Bakit nakapatay ang aircon?" tanong ni Dale nang mailock na ang bintana.
"A-ayaw... b-bumukas eh... parang nasira ata," naautal kong sagot.
Hala! Hindi dapat ako ganito. Baka mahalata niya ako.
"Ganun ba? Eh bakit di mo sinabi kay Theo kanina, Tails? Para nakatawag sana tayo ng mag-aayos," sabi niya tapos ay umupo sa gilid ng kama.
"Eh ngayon ko lang kasi nalamang sira pala. Okay lang yan may fan naman," I said then hopped down from the bed.Inilipat ko ang electric fan sa number four. Sobrang init!
Bumalik na ako sa higaan at humiga. Obviously, nakaharap ulit sa dingding.
"Goodnight, Dale," sabi ko na at ipinikit na ang mga mata.
But I was not really planning to sleep. Naghihintay lang ako sa kung anong gagawin ni Dale.
Maya-maya pa ay humiga na rin siya."Goodnight, Tails," I heard him say then silence.
Bigla akong napamulat ng mata. Ganun lang yun? Hindi siya magtatanggal ng damit?
Hindi pwede. Kailangan niyang alisin yun anuman ang mangyari. Kailangan ko siyang mapicture-an ng nakatopless.
What will I do now?
I started to move. Pabaling-baling. Yung parang kiti-kiti, di mapakali.
"Ang init naman," kunwari ay reklamo ko tapos ay biglang humarap kay Dale.I was facing his back. Tulog na ba siya? Umunat ako sa pagkakahiga tapos ay pinaypay ang kamay sa mukha.
"Ano ba yan, ang init talaga!" sabi ko ulit. Mas nilakasan ko iyon para marinig niya.
Then I sat up. Nanginginig kong hinawakan ang laylayan ng shirt ko. Kaya ko ba talagang gawin 'to?
I was slowly lifting my shirt up when Dale talked, "Tails, ano yang ginagawa mo?"
I glanced back at him. "Ang init eh," sagot ko.
At tuluyan ko nang hinubad yung shirt ko. May tank top pa naman akong suot.
My eyes turned to Dale again. Then I smiled playfully at him. "Pwede ka ring magtanggal ng t-shirt mo kung gusto mo."I was expecting a nasty comeback from him. Or maybe him making fun of what I just said, like I was insinuating another thing. Pero wala sa mga iyon ang nangyari.
Instead, Dale remained silent. He was wearing a weird expression while staring at me.
At doon na ako muling nagtanong. Pambasag lang sa nagsisimulang maging awkward na katahimikan. "Hindi ka ba naiinitan?"
"Naiinitan," sagot niya, diretso pa rin ang tingin sa akin.
"Eh… b-bakit di ka mag-alis ng shirt?" tanong ko tapos ay bahagyang napakagagat ng ibabang labi.Bakit pakiramdam ko'y tunog desperada na ako sa tanong na 'yun?
Dahil sa hiyang naramdama'y nagbaba ako ng tingin.
"Okay lang kaya ko pa namang tiisin eh," sagot ni Dale.
Napasimangot naman ako. Ang hirap pala nito kaysa sa inaakala ko
Tahimik ko ring pinang-ikutan ng mata si Dale. Nakayuko pa rin naman ako kaya't di naman halata. Pero hindi ko pa rin naiwasan na sagutin sa isipan ang sinabi niya kanina.
Kaya mo pa? Pwes ako hindi na!
"Tails, anong sinabi mo?" biglang tanong ni Dale sa akin na siyang kinagulat ko.
Sa gulat ay natigilan ako. Nasabi ko ba yun nang malakas? Katanga naman oh. Dapat sa isip lang yun eh.
"Ah ano…" simula ko. Paano ko ba malulusutan yun?
"Eh kasi, Dale, di ko na matitiis yung amoy mo kapag pinagpawisan ka. Alam mo namang ayaw ko sa amoy pawis diba?" I alibied.
Sana maniwala siya please…
"Eh Tails… tiisin mo na lang. Di ko pwedeng alisin yung shirt ko," sagot niya.
Hindi ako susuko. Kailangan nyang tanggalin yun.
"Bakit hindi pwede? Di ka ba naaawa sa akin Dale? Di ako makakatulog pag nag-amoy pawis ka," nagmamaktol kong sabi.
"Tails, naman eh," sabi nya tapos napakamot sa ulo. "Sige mag-aalis ako ng shirt sa isang kondisyon.”
"Ano?"
"Hahayaan mo akong yakapin ka."
I opened my mouth just to close it again. I always woke up in Dale's arms. Kaya lang ang magiging pagkakaiba, ngayon, he won't be wearing a shirt. As in, I'd feel his bare body. Kaya ko ba?
He's too hot pag walang shirt. Paano pag magmelt ako sa yakap nya?
He shook his head in dismay. "See. Ayaw mo. Takpan mo na lang yang ilong mo, Tails, at nang di mo ako maamoy," sabi niya at aktong hihiga na.
But I stopped him. "Dale, wait ... sige ... payag na ko. Basta, hihintayin mo muna akong makatulog ah?" sabi ko at humiga na rin.
I felt him stand up. Malamang inalis nya na yung shirt nya. Then he laid down again.
Pinikit ko na ang mga mata. I smiled, malapit ko nang magawa ang plano.
*
Nagising ako nang maramdaman ang liwagnag na tumatama sa mga mata ko. Nanatili akong nakapikit.
Hmmm... Kasarap ng tulog ko ah. Siguro nakatulong ang may yakap-yakap na unan. Hinigpitan ko ang yakap sa unan ngunit natigilan nang may bigla akong naramdaman.
Diba ang unan malambot? Eh bakit ang isang ‘to ang tigas?
Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Kelan pa naging skintone ang color ng unan ko?
Hindi ito ang unan ko ... hindi unan ang niyayakap ko ... si Dale!
Ano ba yan? Sabi ko na nga ba eh. Hindi safe na matulog siyang walang shirt. Hindi ko napipigilan ang sarili ko.
Inalis ko ang kamay mula sa pagkakayakap sa kanya. Maging ang kamay niya sa bewang ko.
Dahan-dahan akong tumayo at tinignan ang orasan, 5.30 am. May oras pa ako para gawin ang plano.
Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at isinet na ang camera.
Eto na, nadadama ko na ang pagkapanalo sa bet. Mabibili ko na ang necklace.
Itinapat ko na ang phone sa hubad na katawan ni Dale at ...
Click!
Oh my! Nakalimutan kong i-off ang sound and flash.
Dale groaned then slowly opened his eyes. Oh my god! Gising na siya!
Nagulat ako at nanatiling di gumagalaw sa pwesto ko.
Bumangon si Dale. “Ano yun?”
“Anong ano?” I asked back.
“Yung tumunog saka parang may umilaw,” sabi niya.
I remembered my phone. Agad kong itinago sa likuran ko.
“Ano yang nasa likod mo?” tanong niya.
“Wala,” sagot ko.
“Meron eh. Ano yan?” pilit niya.
Umiling ako at nang bumaba na siya ng kama ay nagmadali akong tumakbo papunta ng pinto pero mabilis siya at nahawakan ako sa kamay.
“Ano ba, Dale, bitiwan mo ako!” sabi ko.
“Ipakita mo muna sa akin kung ano yan,” he demanded.
“Wala ‘to, phone ko lang,” sagot ko habang hinihila pa din ang kamy ko mula sa kanya.
“Talaga? Eh bakit mo ako tinakbuhan?”
I didn’t answer but kept on pulling my hand instead. Pero ayaw pa rin niyang bitawan. Kaya naman ginawa ko na ang una kong maisip na paraan para pakawalan niya ako...
I bit his hand.
“Ouch!” he yelled in pain. Nabitawan naman niya ang kamay ko. I was able to run pero para bumalik lang ng kama dahil nakaharang na siya sa pinto.
Itinago ko na ang phone ko sa pocket ng sweat pants ko at umakyat ng kama. Pumunta ako sa pinakagilid.
Humarap ako sa direksyon ni Dale. He was still holding his hand as he looked at me with a piercing look.
“Why did you do that?” tanong niya habang lumalapit.
Patay na! Umaga na pala! Si bad Dale na ito!
Niyakap ko ang mga tuhod ko habang pinagsiksikan ang sarili ko sa dulo.
He climbed up to the bed at pagapang na lumalapit sa akin.
OMG! Ginagapang ako ni Dale!
He reached me in no time and I was trapped.
“Ipapakita mo yung phone mo or I’ll make you pay for what you did,” pinapipili niya ako.
Hindi ako sumagot at nilabanan lang ang tingin niya.
Hindi ko alam kung paano niya ko pagbabayarin pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ang phone ko.
“Bahala ka kung anong gusto mong gawin sa akin pero kahit anong mangyari hindi ko ipapakita ang phone ko,” matigas kong sabi.
He smirked. “Ikaw ang may sabi niyan ah.”
He moved close to me, closing the gap between us then I felt his hands on my waist ... tickling me!
“Dale…stop…ano ba?” sabi ko habang tumatawa.
Hindi siya tumigil pero mas lalo pa kong kiniliti.
“Tumigil ka na…Dale…please,” I begged.
Hindi pa rin siya nakinig at tuloy pa rin sa pagkiliti sa akin.
At dahil panay ang galaw ko habang sinusubukang maglalaban, hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama. Malapit na akong mahulog. Actually, mahuhulog na talaga ako.
“Dale…mahuhulog…na—“
I was stopped when I felt my body fell down.
Pero imbis na sa sahig, kay Dale ako bumagsak. Nasalo na ako ng katawan niya bago pa man ako mahulog. Kaya naman ngayon ay nasa ibabaw niya ako. Sa ibabaw ng hubad niyang itaas na katawan.
“Okay ka lang?” tanong niya.
I slowly moved my face up so I could look at him.
“Y-yeah,” halos hindi ko na marinig ang sarili kong sinagot ‘yan sa sobrang hina. Paano ba naman kasi ang lapit lang ng mga mukha namin sa isa’t-isa.
I stared at his eyes as he stared back at mine.
We were just like that.
And it felt like we were in a different world. Na tumigil ang pagtakbo ng oras.
I felt his both hands on each side of my waist. Akala ko tutulungan niya na akong makatayo. Akala ko makakawala na ako sa kakaibang atmosphere na ito. But I was wrong.
Instead of helping me up, he rolled us over.
Making him on the top while I was underneath him this time.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Patuloy lang kaming nakatingin sa isa’t-isa hanggang sa unti-unti na niyang ibinaba ang mukha niya papalapit sa akin.Tuluyan pang lumapit sa akin ang mukha ni Dale until our lips were dangerously close.
I closed my eyes. Tama ba ito? Should I let him do this or should I push him away?
Ayokong mag-isip. What I wanted to do now is just to feel. To feel Dale's lips on mine.
"Reese," I heard him say, sa tono ng boses nya, seemed like he was giving me a chance para pahintuin siya.
But I guess that wouldn't happen. No, not right now that I could feel his hot breath on my face, that I could hear his heart beating fast same as mine.
I waited. And damn, what's taking him too long?
I composed myself, trying to restrain my hands from pulling his head down on me so I could already feel those luscious lips. Naghintay pa din ako. Hinintay kong magtama ang mga labi namin but that didn't happen.
Habang nakapikit ako, naramdaman kong wala nang nakadagan sa akin tapos narinig ko ang pagbagsak ng glass window.
I opened my eyes. Ang puting kisame ang tanging nakita ko. Wala si Dale. Iniwan niya ako. He didn't kiss me.
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...