26

1.8K 76 6
                                    

26 : First Kiss

"I'll kill him," galit na galit na sabi ni Theo tapos ay umaktong tatayo ng sofa.

Agad akong humarang sa harapan niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Calm down, Theo. Killing Brent isn't right," pigil ko sa kanya.

He didn't answer but looked at me furiously. And though his anger wasn't for me, I shivered in fear. Ang mga mata niya, parang magliliyab dahil sa sobrang galit.

At pinagsisisihan ko kung bakit ko sinabi kay Theo ang tungkol dito. Pero karapatan pa rin niya na malaman ang totoo. At alam ko namang hindi niya tototohanin ang sinabi niya - ang patayin si Brent.

Those words only meant he would beat him up senseless gaya ng ginawa ni Dale kay Brent. But I still don't want Theo to do something foolish. Alam ko pagkatapos ng ginawa ni Dale kay Brent, the latter already learned his lesson.

Theo calmed a bit but he was still shaking as I saw him clenching and unclenching his fists.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya ng patagilid.

"Theo, you should calm down. Wala namang nangyari sa akin eh. Dale came and saved me. Please, Theo, ayokong makita ka ng ganito," sabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Huminto na ang panginginig niya. Nilagay niya ang dalawang kamay sa mukha pagkatapos ay inalis din makalipas ang ilang sandali at pinatong ang mga ito sa balikat ko.

"Okay for you, Reese, I won't do anything to him. Pero dapat siguraduhin niya na hindi niya ipapakita ang mukha niya sa akin dahil kung nagkataon, baka di ko mapigilan ang sarili ko't kung ano ang magawa ko sa kanya."

I nodded.

Inalis niya ang kamay sa balikat ko at lumingon kay Dale. "Dude, thank you. I owe you a lot."

Tumayo si Dale at lumapit kay Theo. He smiled then patted Theo's shoulder.

And then there was a deafening silence so I decided to break it. "Theo, you're still gonna make a delicious dinner, right?" tanong ko.

He sighed then answered, "Yeah, sure."

Naging maayos ang dinner. Theo totally relaxed.

Ang ayoko lang masyado siyang naging caring sa akin. Pati paglagay ng pagkain sa pinggan ko, siya pa ang gumawa.

Yeah, that was sweet but I am not sick. At pagdating sa paghuhugas, umabot pa kami sa mahaba-habang pilitan para ako ang gumawa noon.

Malapit na akong matapos sa ginagawa nang may narinig akong yabag papunta sa kitchen. Maya-maya pa narinig ko ang boses ni Theo.

"Reese, may bisita ka."

Lumingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Sino naman kaya ang gustong bumisita sa akin? Si Addison?

Iniwanan ko ang ginagawa at sumunod kay Theo sa living room at doon, nakita kong nakaupo si Kamila.

I started to feel unease. Malakas ang kutob ko, may kinalaman ito kay Brent.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon