39

818 33 2
                                    

39: Missing

Nang makarating kami doon sa bayan kung nasaan ang aakyating bundok ay pinarada na iyong dalang mga sasakyan sa barangay hall. Nagsimula na rin kaming umakyat. Sabi nung nagga-guide sa amin ay dalawang oras lang naman daw ang pag-akyat papunta doon sa camping site. Hindi pinakaatas ng bundok, pero ayos na rin naman daw ang view doon dahil makikita na iyong mga mga bituin.

"Grabe, hindi nga gan'un katarik 'tong inaakyat natin, pero hindi ko naman inaasahan na malayo pala," naghahabol ng hiningang sabi sa akin Addison.

Tumango lang ako. She's right. Idagdag pa na may mabigat kaming bitbit. Buti na lang talaga at nae-exercise kami sa PE class.

"Are you girls okay?" lingon sa amin ni Theo.

"Okay pa," si Addison ang sumagot. "Kayang kaya 'to."

Napailing ako sa kanya. Parang kanina lang ay pagod na pagod na ha. Tapos ngayon, kung makangiti parang hindi sobra ang pawis ngayon.

Sunod ay si Dale ang lumingon at agad na tumingin sa direksyon ko. Hindi siya nagtanong pero nag-thumbs up at inangat ang parehong kilay. Ngumiti ako sa kanya saka nagthumbs up din.

Okay lang ako. Kaya pa.

At hindi nga nagtagal nang marating na naming iyong patag na bahagi ng bundok. Nilakad naming iyong kakahuyan hanggang sa makarating kami sa lugar na bahagi na wala nang masyadong mga kahoy. Doon na kami huminto at nagsabi na nga iyong tour guide na pwede nang mag-umpisang itayo iyong mga tent. Nagpicture muna kami ni Addison bago tumulong kina Theo at Dale.

So, ang magiging set up mamaya, magkasama sina Theo at Dale sa isang tent habang doon naman kami sa isa ni Addison. Napag-usapan na namin ni Dale kung paano ang gagawin mamaya sa pagtulog. Gaya ng nakagawian kapag doon sa bahay nagssleep over si Addison, hihintayin naming makatulog na ang lahat saka parehong lalabas at doon na lang sa harap ng campfire matutulog.

At maliban nga sa pagtingin sa mga bituin mamaya ay iyon ang isa ko pang kinasasabikan. I don't know. Para sa akin, ang goals lang n'un.

Matagumpay naming natayo ang dalawang tent. Actually, more on sina Theo at Dale lang dahil tagahawak lang naman kami ni Addison. But still, we exerted effort. Nagsisimula nang mangolekta ng mga kahoy yung ibang campers nang pumasok kami ni Addison sa loob at inayos yung mga dala naming gamit.

"This is so fun!" masayang sabi sa akin ni Addison. Kumuha siya nung t-shirt sa loob ng bag niya at walang hiya-hiyang naghubad sa harapan ko para palitan iyong nabasa na niyang t-shirt. "Yun lang, wala pala tayong ligo-ligo ano?"

Tumango ako at kumuha rin ng t-shirt sa loob ng bag. "Wala nga. Walang tubig dito eh," sagot ko. "Sapat lang ata pangluto 'yung mga dinala nung boys. Hindi bale, maaga rin naman 'atang bababa tayo bukas."

She nodded too. At nang wala na siyang sinabi'y naghubad na rin ako ng t-shirt. At nang dapat ay isusuot ko na iyong bagong t-shirt ay sakto namang bumuka iyong bukasan ng tent.

"Girls—" umpisa ni Dale habang nakasilip doon at nanlaki ang mga mata nang makita ang estado ko. Napamura siya bago dali-saling sinara iyong tent. "I'm sorry," sabi niya mula sa labas. "Babalik na lang ako mamaya."

Saka narinig ko na lang ang mga yabag niyang papaalis.

Napahagikhik si Addison. "Oh my gosh! I never thought I'd see the day that Dale is flustered. But look what I've just witnessed." Napailing siya. "Mukhang maniniwala na nga akong walang juicy details sa inyo." She teased. "Look at how shy he was when he saw you. Gosh, kung di ko lang alam yung history nun sa girls, sasabihin kong ang pure niya."

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon