31

1.6K 52 6
                                    


31: Visit

THE next day, I was surprised to see Mom's waking me up. Doon ko lang naalala na Sunday pala ngayon at hindi ko naset ang alarm clock kagabi. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Dale. Nahuli na ba kami ni Mommy?

Ngunit nang tumingin ako sa tabi ko at nakitang wala na siya, nakahinga ako ng maluwag. Pero di ko natakasan ang mga tanong ni Mommy.

Katulad ng una, bakit ako sa gilid natutulog at hindi sa gitna ng kama; at pangalawa, bakit nakalimutan kong ilock ang bintana kagabi.

Syempre may palusot ako sa mga yun. Una, nasa gilid ako dahil dun ako komportable matulog; at pangalawa, hindi nakalock ang bintana dahil naaantok na ako ng sobra kagabi kaya tinamad na akong tumayo.

Mabuti na lang at naniwala si Mommy sa mga yun. Mabigat man sa loob ko na magsinungaling sa kanya, wala akong choice. Mas natatakot kasi ako sa magiging reaksyon nya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Dale— ang lihim naming relasyon at ang palihim niyang pagtulog dito.

Pagkatapos akong gisingin ni Mommy, dumiretso na kami sa dining area para sa breakfast.

Theo was already there pero yung usual seat ni Dale ay bakante. My smile dropped. Pero agad ko ring itinaboy ang lungkot na nadarama dahil alam ko naming kasama ni Dale ang family niya. And it was not like we're not gonna see each other later.

"Let's visit your Dad later," anunsiyo ni Mommy nang patapos na kaming kumain.

Pareho kaming natigilan ni Theo. Bilang lang ang mga pagkakataon na binibisita namin ang Daddy sa loob ng isang taon. His birthday, during Christmas, and in November—those were the constant dates.

Kaya naman ang mag-aya si Mommy sa ganitong panahon ay nakakagulat lang. But maybe, she already missed him.

That's what we did after going to the church and to some flower shop.

"Mukhang okay naman iyong tagalinis dito ano," yun ang unang komento ni Mommy nang maabot namin ang kinaroroonan ni Daddy. "Hindi sayang yung binabayad buwan-buwan."

Ibinaba ko na iyong bitbit na basket ng bulaklak. Si Theo naman at Mommy ay nagtirik na ng kandila at kanya-kanya na kaming tahimik na nagdasal at kinausap ang namayapang ama.

"I've dreamed about your Dad last night," kwento ni Mommy nang pabalik na kami ng bahay. Theo was the one driving pero nakita ko ang pagsilip niya kay Mommy na katabi ko sa backseat.

"He's alive in my dream, just casually talking to me while we were having cup of chocolates." Mommy let out small laughter.

I remembered that Mommy talking about that before. Lagi raw nila iyong ginagawa kapag hindi pa inaantok.

"Your Dad seems happy in my dream though. We talk about you two a lot," patuloy ni Mommy saka magkasunod kaming tiningnan ni Theo. "I don't know. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin kaya ko kayo inayang pumunta ngayon."

Ngumiti ako kay Mommy saka inilingkis ang braso sa kanya kasasbay ng pagsandal ng ulo sa balikat niya. Kahit hindi naman niya sabihin, halatang namimiss niya ang daddy. And I could totally relate.

"Pakiramdam ko rin parang pinaalalahanan na ako ng Dad niyo na bantayan kayong dalawa."

Inangat ko ang mukha para makita si Mommy at nangiti rin nang makitang nakangiti na siya sa akin. She pinched my nose and moved her gaze to Theo. "Don't worry, kids. Itututloy ko na talagang maghanap ng pwedeng magmanage sa mga branches and after that, I will make sure to spend every time I have with you."

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon