35: Sick
Our Sunday was as quite as our Saturday. Nagchurch lang kami ni Theo nung umaga pagkatapos ng breakfast at nang matapos iyon ay agad na umuwi ng bahay.
Nang makauwi nga ay nagkanya-kanya na naman kami ni Theo. Magkakaingay lang sa bahay kapag magluluto na siya. Then he would call me to eat then I would clean the dishes after. Then we would go to sleep. End of the day.
At nagpatuloy ang ganoong routine sa mga sumunod na araw. Maliban na lang ngayon na pumapasok na rin kami sa school. For days, I've missed Dale's presence with us. Doon sa dining room kung saan lagi siyang nakaupo, yung mga niluluto niya sa aking pancake, yung passenger seat kung saan siya nakapwesto. But I could do anything. Mananatiling ganito hangga't hindi pa bumababa ang emosyon ni Theo at handa na kaming pakinggan pareho ni Dale at matanggap yung relasyon naming dalawa. At hindi ko alam kung kailan mangyayari 'yun.
Huwebes ng umaga nang mayroon akong napansing kakaiba kay Theo. Mukha siyang matamlay tapos ang lamlam ng mata niya. He even looked a little pale. And when I heard him cough when we were in the dining table, I knew I had to say something.
"Are you okay, Theo?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Inalis niya ang tingin doon sa pinggan na halos hindi pa nababawasan ang laman at tumingin sa akin.
Marahan siyang tumango. "Yeah," tipid niyang sagot saka bumalik sa pagkain.
"Are you sure?" paninigurado ko. "Hindi mo pa gan'un nakakain yang breakfast mo."
He sighed but nodded again. "I'm okay. I just don't have an appetite. Baka dahil sa sipon ko at ubo. But I'm okay."
Tumango na lang din ako at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. At ilang sandali lang matapos ang breakfast ay umalis na rin kami ni Theo papuntang school.
Nung dumating ang lunch ay parehong hindi ko nakita sina Theo at Dale sa cafeteria. At gusto ko sanang malaman kung nasaan sila pareho nang makatanggap ako ng tawag.
It was Theo. Pero nagulat ako nang marinig ang boses ng nagsalita doon.
"Reese, si Dale 'to. Sorry if I used Theo's phone, nacut kasi yung line ko."
I was still surprised that I'm aware my mouth is still hanging open. Bakit gamit ni Dale ang phone ni Theo? Did Theo just let him?
At hindi pa rin ako nakakasagot nang marinig muli ang boses ni Dale. "And I called you to tell you na iuuwi ko muna si Theo sa inyo."
Agad akong nakadama ng pagkaalala. "Bakit? Anong nangyari?"
"He almost collapsed kanina sa classroom," sagot ni Dale.
"What—"
"Hey chill. He's fine now. Nadala na siya sa clinic. Saka natingnan na rin ng school doctor," putol ni Dale sa akin. "He has a flu. Napainom na rin siya ng mga gamut but he's advised na magpahinga na lang muna. And he chose na sa bahay niyo na lang magpahinga. I offered to drive him there."
"Good to know then that he's okay," sagot ko at naalala yung kaninang umaga. So, tama talaga ako na hindi maganda ang pakiramdam niya. "Pero pumayag talaga siyang ihatid mo siya?"
"Of course, he didn't," sagot ni Dale. "Pero wala rin naman siyang magagwa. He's weak now at ako yung inexcuse para maghatid sa kanya. So, we're going then. Tumawag lang talaga ako para sabihin sayo."
"Okay," I told him. "Mag-iingat kayo."
"We will," sabi ni Dale. "I'll see you later. I love you."
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...