6: His Sides
After that night, everything just changed between me and Dale. Hindi na kami naging mag-bestfriends pa. At hindi ko alam na ang ibig sabihin nya nun ay magiging mortal enemy ko sya. Na araw-araw niya akong aasarin at gagawan ng kalokohan.
Hindi ko na nga alam kung sino ba talaga siya.
Kung siya ba yung Dale na jerk, bully, conceited at annoying sa araw?
O yung Dale na caring, sweet at protective sa gabi?
Kung pwede nga lang, lagi na lang sanang gabi para hindi na siya bumabalik sa bad personality niya.
Ang mga mata ko'y nakamasid pa rin sa natutulog pa ring si Dale nang biglang nag-alarm ang orasan, 6:30 am. Bumangon ako at inabot ito mula sa bedside table para i-off. Kailangan ko nang gisingin si Dale.
"Dale, gising na! Dale! Dale!" gising ko sa kanya habang niyuyugyog siya.
Umungol siya pagkatapos ay niyakap ako pahiga.
"Ten minutes pa," sabi niya saka sinubsob ang mukha sa buhok ko. And I shivered as I felt his hot breath on my neck.
"Hoy ano ka ba? Bitiwan mo nga ako. Anong ten minutes pa? Maya-maya, magigising na si Theo. Bumangon ka na bago ka pa niya abutan dito," sabi ko habang inaalis ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin.
"Bakit ba kasi maagang nagigising si Theo?" tanong niya habang nakapikit pa rin.
"Eh kasi..." umpisa ko saka patuloy sa pag-alis ng kamay niya mula sa akin. Naalis ko ito pero muli na naman niyang iniyakap sa bewang ko. Argh.
"Dale, ano ba? Alisin mo nga 'yang kamay mo," asar kong sabi habang pinapalo ang kamay niya. At inalis niya ito. Buti naman.
"Magluluto pa kasi si Theo ng breakfast. Ano ba, Dale? Lagi ka naman dito. Ba't kailangan mo pang itanong?"
Nagmulat siya ng mata. Umupo na ako sa kama.
"Bakit ka pa kasi nagbebreakfast eh busog ka naman na," sabi niya.
"Anong busog?" taka kong tanong.
"Bakit sa araw-araw ba na nakikita mo ako pag gumigising ka, hindi ka ba nabubusog?"
Ha? Ano daw?
Umiling ako habang gulat pa din na nakatingin sa kanya.
"Seriously, sweetheart? Sa mukhang to?" gulat niya ding tanong.
Inirapan ko siya. Umiral na naman ang pagiging mayabang ng mokong na 'to.
Itinulak ko siya sa higaan at yun...
Blag!
"Aray! Bakit mo ginawa yun?" galit niyang tanong.
"Eh kasi para gumising ka na. Mukha kasing inaantok ka pa at kung anu-ano yang sinasabi mo."
Tumayo lang siya at matiim akong tinitigan.
"Ano ba? Umalis ka na, Dale. Maliligo na ako."
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...