36: Parents
"AKO na lang po yung magdadala ng pagkain kay Theo," anunsyo ni Dale nang lahat ay nasa dining room na.
Apat kaming nandito ngayon. Ako, si Dale at ang mag-asawang Carter. Since Tita Marielle cooked here, ininvite ko na lang sila na dito kumain. At dahil nga hindi pa naman makakababa si Theo, si Dale na yung nagprisinta na dalhan ito ng pagkain.
"Sure," sagot ni Tita Marielle sa anak. "Ask him also if he needs anything."
Tumango si Dale at binitbit na yung tray paakyat sa kwarto ni Theo habang kaming tatlo ay nag-umpisa na ring kumain. Tahimik pa kami nung umpisa pero nang lumaon ay biglang nagsalita si Tito Oliver.
"Aren't we gonna buy some dessert?"
Napaangat ang parehong kilay ko habang si Tita Marielle ay nagtanong. "What for?"
"I heard that there's a new couple here," walang kaabug-abog na sagot ni Tito Oliver.
At naiwan ata sa lalamunan ko iyong piraso ng manok. Naubo ako, sunod-sunod.
"Naku, Reese. Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Tita Marielle. May baso ng tubig ang tumambad sa harapan ko. "Ito, hija. Inumin mo."
Kinuha ko iyon at agad na lumagok mula doon.
"Ikaw talaga, Oliver," pagalit ni Tita Marielle sa asawa. "Kung anu-anong sinasabi mo. Tuloy napano itong si Reese."
"Hindi po, tita," singit ko at ibinaba na yung walang laman na baso. "Hindi naman po kasalanan ni tito."
Ngumiti ako at nabalutan ng hiya nang makitang ngumiti sa akin si Tito Oliver. So hindi lang pala si Mrs. Carter ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Dale. Alam na rin ng daddy niya.
"Tell me, Reese. Totoo ba 'yung narinig ko na girlfriend ka na ni Dale?" direktang tanong ni Tito sa akin. Mabuti na nga lang at wala nang laman ang bibig ko dahil kung hindi'y baka naka-strike two ako.
"Oliver!" saway ni Tita Marielle at sinamaan ng tingin si Tito.
"Why?" sagot ni Tito Oliver. "I just want to know if that's true. O baka mamaya'y pantasya lang nung binata natin." Muling binaling sa akin ni Tito ang tingin. Siya'y ngumiti. "Just so you know, hija, bata pa lang kayo, Dale already sees you as an angel. Naalala ko pa nung dumalo kayo nung birthday party niya, he literally asked me if you were one."
Napangiti ako doon. I didn't know about that. But that information just confirmed what Dale told me to be true. Na gusto niya na ako kahit nung mga bata pa lang kami.
Hindi ko na rin pinatagal pa at ibinigay na iyong sagot kay Tito Oliver. Tumango ako sa kanya. "Yes po. Kami na nga po ni Dale."
Mas lumapad ang ngiti ni Tito saka tumango siya. "Well, I guess hindi na nga pantasya yung anak ko." Natawa si Tito bago sumeryoso. "You take care of each other."
Nakangiti naman akong tumango sa kanya. At nagpatuloy na kami sa pagkain.
Nagtagal din si Dale doon kay Theo. Actually, nagpaalam na ang mag-asawang Carter matapos kaming makapaghugas ni Tita Marielle ay hindi pa rin siya bumababa. At kamuntik na akog pumanhik sa itaas para silipin siya. But I guessed I didn't have to do that when I heard the footsteps against the stairs.
At sumulpot na nga rin si Dale sa dining. May hawak siyang palanggana na parang may lamang towel.
"Where can I put this?" tanong niya sa akin.
"Ako na lang," sagot ko at lumapit na sa kanya. Tiningnan niya ako at mukhang ayaw pang bitawan ang hawak. Pero nagpilit ako. "Akon a magdadala nito sa laundry. Kumain ka na dyan."

BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...