25 : s.o.
"Sigurado ka bang ililihim muna natin ito kay Theo?" tanong ni Dale.
Inalis niya ang tingin sa manibela ng sasakyan niya't tumingin sa akin.
Tinapatan ko ang tingin niya't huminga ng malalim. Naisip ko kasing mas mabuting hindi muna ito malaman ni Theo. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon niya.
Sure, hindi na siya tulad ng dati na overprotective. Pero kinikilatis niya pa rin ang mga manliligaw ko.
And I'm sure, he wouldn't be pleased sa ideyang boyfriend ko na si Dale - ang kilalang numero unong player ng McGregor High. Hindi lang sa basketball, kundi maging sa babae.
Na kung titingnan naman ay kaya lang siya naging ganoon ay dahil din sa akin, dahil gusto niyang makalimutan ang nararamdaman niya para sa akin.
Pareho lang pala kami ni Dale. Inakalang pag in-involve namin ang sarili sa iba, makakalimutan namin ang nararamdaman para sa isa't-isa.
Ang pinagkaiba lang, mas nauna niya itong ginawa and he went overboard. Tama bang mag-girlfriend ng sandamukal? Hay.
Pero kahit na ipaliwanag ko ito ngayon kay Theo, hindi niya mauunawaan. Kailangan muna naming kumuha ng tamang tiyempo bago sabihin ang lahat sa kapatid ko.
"Yeah. Mas maganda kung hindi niya muna malalaman," sagot ko matapos ang medyo matagal na katahimikan.
"Ibig sabihin din niyan, itatago natin sa lahat ang relasyon natin," paalala niya.
I nodded. "May choice pa ba tayo?"
Mas maganda ng ganito - ang itago sa lahat ang relasyon namin ni Dale kaysa naman mayroong makaalam na isa at makarating kay Theo.
Kaya maging ang bestfriend kong si Addison ay hindi exception.
Sigurado naman akong maiintidihan nito kung bakit hindi ko nasabi ang tungkol dito lalo na ngayong medyo close na ito kay Theo.
Natigil ang pag-iisip ko nang hawakan ni Dale ang kamay ko. "Kakayanin natin 'to, Reese. Don't worry too much," sabi niya pagkatapos inilapit ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito.
"Yes, of course," sagot ko. Oo naman. Kakayanin namin ito. Lalo na ngayon pa na magkasama na naming haharapin ang lahat.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya.
At ang tumunog kong tiyan ang sumagot para sa tanong niya.
Nahihiya kong iniwas ang tingin. Tumawa naman siya. "Gutom na ang girlfriend ko. Saan mo gustong kumain?" tanong niya.
Naramdaman ko ang paggapang ng mainit na pakiramdam papuntang pisngi ko. Ilang beses na ba akong nagbablush ngayong araw na ito?
Eh kasi naman... nung sinabi ni Dale ang 'girlfriend ko', biglang nagwala ang puso ko sa kilig. Parang kailangan ko na ngang ikadena at nang magtigil sa kalulundag.
"Kahit saan...as long as I'm with you," sagot ko. And how I wanted to eat those words back to my mouth. Baka kasi ang corny. Bawas ganda points.
Pero nang ngumiti nang pagkagwapo-gwapo si Dale ay nawala na ang isiping iyon sa akin.
Lalo na nang paandarin niya ang sasakyan habang hindi pa rin inaalis ang kamay na nakahawak sa akin.
Right. Ayaw na akong pakawalan ni Dale. And I was not complaining. Not even a single bit.
*
Dinala ako ni Dale sa isang fast food chain. Nothing fancy pero sapat na ang nararamdaman ko ngayon para maituring ang moment na ito na special. Nakaupo ako sa may bandang sulok habang umoorder si Dale ng pagkain.
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Novela JuvenilJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...