Simula

4.5K 93 7
                                    

S I M U L A

     Nakaupo ako sa may sulok habang walang tigil sa pag-iyak. Paano ay kagigising ko lang mula sa isang masamang panaginip. Wala si mommy at nasa itaas na si Theo, natutulog sa kwarto niya. Masyado akong takot para umakyat pa sa itaas at kumatok sa silid nya.

Kaya nga kahit ang bukas kong bintana ay hindi ko magawang isara. Tuloy ngayon niyayakap ko ang sarili dahil sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok mula dito. Bigla akong napatigil sa pag-iyak nang may narinig akong kaluskos mula sa labas ng bintana. Ano yun?

Maya-maya ay may nakita akong ulo sa bintana. Binalak kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa nakita ko ang ulo ay nadagdagan ng kamay at hanggang sa buong katawan na niya ang nakapasok sa loob ng silid ko. Inayos nya ang sarili at lumapit sa kin. At mula sa liwanag ng lampshade ay nakilala ko kung sino siya - ang batang kapitbahay namin.

Tanda ko na birthday niya ang pinuntahan namin ni Theo kahapon. His 12th birthday party. 

Tama! Ang batang lalaki na nakatira sa katabing bahay, at alam kong katapat lang ng silid ko ang kwarto niya. Paano ko nalaman?

Simple lang, sa ilang beses kong pagsilip sa aking bintana ay nagkakataon ring nakasilip siya doon sa kanya. Pero hanggang ngiti lang ang naging palitan naming dalawa. Hindi pa kami nakakapag-usap. Kahapon lang. Sa birthday party niya kung saan binati ko siya at sumagot naman siya ng isang tipid na "salamat".

Iyon lang. Nakalimutan ko na nga rin kung anong pangalan niya.

Tiningnan ko ang bata habang mahina pa ring humihikbi. Wala rin siyang imik. At hindi ko alam kung bakit hindi rin ako nagsasalita. Dapat ay kanina ko na tinanong kung anong ginagawa noya dito, o kanina ko na dapat siya pinaalis. Pero nanatili akong nakaupo lang sa sulok, ang mga mata'y nakapako sa kanya.

Hanggang sa unti-unti siyang lumapit sa pwesto ko't lumuhod sa harapan ko. At sunod ko na lang nalaman ay niyakap niya na ako.

Gulat akong napatitig sa pader sa aking harapan. At nakakapagtaka na hindi ko siya itinulak palayo. Hinayaan ko lang na damhin ang patpatin niyang mga braso habang ang mga iyon ay nakapalibot sa akin.

Hindi ko alam. Baka dahil sa hindi ko lubos na inaasahan na yayakapin ako ng bata o dahil sa seguridad na nararamdaman ko habang yakap-yakap niya ako.

Basta lang alam ko sa mga oras na ito'y kahit papaano'y naiibsan ang takot sa puso ko. 

Nang mahimasmasan na ako ay umupo ang bata sa tabi ko. Nagsimula na itong magpaliwanag. Mula raw sa nakabukas niyang bintana ay narinig niya ang pag-iyak ko. Kaya't  agad siyang pumunta dito para tingnan ang lagay ko.

Hindi ko na rin naman napigilan ang sarili't naikwento sa kanya ang dahilan ng pag-iak ko - panaginip ko. Hindi nga lang detalyado. 

Ang totoo, wala naman talaga akong balak sabihin sa kanya. Tama nang sina mommy at Theo lang ang nakakaalam. Pero ewan ko ba, ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya at nagawa kong magtiwala agad.

"Sigurado ka ba?" tanong ko habang umaakyat sa higaan.

Ang tinutukoy ko ay ang pagsama niya sa aking matulog. Kanina kasi'y sinabihan niya na akong matulog pero sinabi kong natatakot akong gawin iyon dahil baka managinip na naman ako.

Sumagot naman 'yung bata. "Oo. Para kapag bumalik yung bad dream mo, lalabanan ko para umalis."

Mahina akong natawa. Ang yabang ng lokong to ah!

"Kaya mo bang gawin yun? Tingnan mo nga para kang butiki, ang payat-payat mo," puna ko.

Sumimangot siya. "Oo naman. Kahit payat ako, kaya kong lumaban. Malakas ata 'to," sabi niya at sinuntok-suntok pa ang dibdib.

Pero hindi nakaligtas sa akin nang nangiwi siya sa sakit. Napatawa ulit ako."'Yan kasi ang yabang!"

"Hmp," sabi niya at umakyat na rin sa kama.

Alangan pa rin akong napatingin sa kanya. Iniisip ko kasi kung tama ba itong gagawin namin. Matutulog lang naman kaming magkatabi at kahit pa sa ilang sandali ko siyang nakasama ay alam kong makakapagkatiwalaan siya. Pero kasi, paano na lang kung maabutan kami ni Theo dito?

"Basta, 'yung sinabi mo kanina ah," paalala ko sa kanya. "Aalis ka na agad kapag sumikat na 'yung araw. Bawal kang maabutan ng kuya ko rito."

Tumango siya at kita ko sa mata niya ang pagkaintindi sa akin. Itinaas niya pa ang kanang kamay. "Promise."

"Okay," kalmado ko nang sagot.

Ngumiti 'yung bata sa akin. "Matulog ka na para tumangkad ka pa."

At pagkatapos niyang sabihin iyon ay humiga na siya't tumalikod sa akin.

Humiga na rin ako at papakit na ang mga mata nang magsalita siya.

"Goodnight, Tails."

Pinihit ko ang ulo sa direksyon nito. "Hindi Tails ang pangalan ko. Ako si Reese," sagot ko.

Narinig kong natawa siya, hindi pa rin humaharap sa akin. "Basta para sa akin ikaw si Tails. Goodnight, Tails."

Umirap naman ako sa likuran niya saka nakaisip ng magandang ideya. Lihim akong napangiti. "Goodnight, Iki," natatawa kong sagot.

Bigla siyang humarap sa akin, ang mga mata't nagtatanong. "Nagkakamali ka. Hindi Iki ang pangalan ko - "

"Alam ko," putol ko sa sasabihin niya. "Pero katulad mo, Iki ang gusto kong itawag sayo. Goodnight, Iki," sabi ko at ipinikit na ang mata.

Matapos ang ilang sandali ay naramdaman kong tumalikod na muli siya habang may ibinubulong na hindi ko maunawaan. 

Napangiti na lang ako. Hindi mo malalaman na ang Iki ay for short ng Butiki, sabi ko sa sarili.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon