19

1.5K 52 3
                                    

19 : White Rose

Maya-maya pa, may kumatok sa pinto. Thinking it was just some random student, nagmadali akong tumayo at inayos ang sarili. Pag nabuksan ko na ang pinto, dali-dali na lang akong tatakbo.
 
I opened the door and I wasn't able to do my plan. Because Addison already came in and locked the door again.
 
"I guess kailangan mo nang sabihin sa akin ang problem mo, girl. Kailangan mong i-share yan para gumaan ang nararamdaman mo," she said reassuringly.
 
Nag-isip ako at napagtanto na tama siya. Siguro nga kailangan ko na ng outlet sa nararamdaman ko.

Hindi naman pwedeng itatago ko na lang ito at kikimkimin ang sakit ng kalooban ko. I nodded my head and dragged her to the sink, we sat on the countertop.
 
I told her about what I truly feel for Dale, maging kung paano ko siya nakilala. I also told Addison what Dale and I were before and how it ended and how we turned into mortal enemies.

But I made sure na wala akong na-slip na info about sa pagtulog ko kasama si Dale, sa sakit ko at sa lahat ng bagay na nangyayari sa loob ng kuwarto ko.
 
"Reese, the way I see it, matagal mo ng mahal si Dale, ngayon mo lang narealize," sabi ni Addison.
 
I froze. Totoo kaya ang sinabi niya? Na matagal na itong nararamdaman ko para kay Dale at hindi ko lang napapansin?
 
I laughed bitterly. "Kahit siguro noon ko pa narealize, wala ring namang magbabago diba? Before, he had only seen me as his bestfriend at ngayon naman just someone who could entertain him by annoying me."
 
"Natanong mo na ba si Dale? Malay mo, he feels something for you, too," pilit ni Addison.
 
I shook my head. "That's impossible, Addie. You know Dale. Kung gusto niya ako eh di sana matagal na niyang sinabi."
 
"Maybe he has reasons?" she insisted.
 
"Gaya ng ano?" tanong ko.
 
She sighed. "I don't know. I'm not him. And he's someone na hindi mo agad mababasa ang takbo ng isip," she remarked.
 
I smiled at that. "Yeah, you're right."
 
"So ano ng plano mo ngayon?" she asked.

I sighed. "Gusto ko lang makalimutan ang feelings ko para sa kanya. To get over with this," I said sternly.
 
"That'd be hard, you know. But I'm just here in case you need a shoulder to cry on," she said then held my hand, squeezing it gently.
 
"Thank you, Addie," sabi ko in a grateful tone at niyakap siya.
 
"Anything for my best girl friend ever!" sagot niya at niyakap din ako pabalik.
 
Bumaba na kami sa countertop at nag-ayos na ng sarili para sa next class.
 
We were walking down the hallway and our way to the staircase when Addison held my hand. Nagtataka akong napatingin sa kanya at nakitang tila may nais siyang sabihin pero hindi niya masabi.
 
I chuckled. "Come on, Addison. Just spill it out."
 
Huminga muna siya nang malalim. "This is just a suggestion you know. Kung ayaw mong gawin, okay lang…" she trailed off.
 
I laughed. "Okay. Sabihin mo na."
 
"Iniisip ko lang na baka mas makakatulong sa pagmomove-on mo kung hahanap ka ng ibang guy para—"
 
"Addie, ayokong manggamit ng ibang tao," putol ko sa kanya.
 
"Wait lang, hindi pa ako tapos, Reese. Hindi ka naman manggagamit eh. What I'm trying to say ay kung may magpaparamdam man sa iyo, like gustong manligaw, you should entertain him. Give it a try. Doesn't mean naman na iboboyfriend mo na agad eh. Pero malay mo, baka magustuhan mo diba? Saka maganda na rin yun para may iba namang pinagtutuunan yang atensyon mo. Nang sa ganun, hindi mo na laging maiisip si Dale," she ended.
 
I looked at her then sighed. "Okay. I'll do that."
 
Mabilis na lumipas ang sumunod na mga oras. I was glad na naishare ko na kay Addison ang problem ko.

Kahit papaano, nabawasan yung sakit. At di tulad kahapon na mag-isa ko lang hinarap ito, ngayon nandyan na si Addison na makakaintindi sa akin at masasandalan ko.
 
Math time na at halos nakakahalati ng oras na nagdidiscuss si Mr. Carpio sa harap. Parang nasa good mood siya ngayon kasi panay ang bato niya ng jokes between the discussion. That earned laughter from the boys at flirtatious giggles from the girls.
 
And I could sense na wala siyang ipapagawang seatwork or quiz. Nag-uumpisa na siyang mag-discuss ng mga sample problems nang may kumatok sa pintuan kasabay nun ang pagsilip ng isang lalaki sa glass part ng pinto.
 
Agad na lumapit si Mr. Carpio sa pinto at pinagbuksan ito.
 
"Good afternoon, Sir," magalang na bati ng lalaki na sa palagay ko ay isang delivery man. May hawak ito sa kamay pero hindi ko makita dahil natatakapan ang view ko ng katawan ni Mr. Carpio.
 
"What can I do for you?" tanong ni Sir.
 
"Meron po bang Maria Therese Madrigal sa klaseng ito?" tanong nung delivery man.
 
Nagulat naman ako doon. Ako ang hinahanap niya? Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin?
 
Hindi sumagot si Mr. Carpio but glanced back at me. Then he motioned me to come over. Lumapit naman ako agad. Iniwan na kami ng guro ko at bumalik na sa table niya.
 
"Ano po iyon? Bakit niyo po ako hinahanap?" tanong ko.
 
"May delivery para sayo," sabi niya at iniabot sa akin ang isang stem ng white rose.
 
I gave him a quizzical look. Para sa akin yan? I hesitated but took it in the end.
 
"Akin po ba talaga ito?" I asked at him.
 
"Kayo po si Ma. Therese Madrigal diba?"
 
Tumango ako.
 
Tiningnan niya lang ako tapos may kinuha na white paper na may kung anu-anong nakasulat. Inilapit niya ito sa akin.
 
"Pakipirmahan na lang po dito, patunay na natanggap niyo ang delivery," sabi niya sabay turo sa isang part ng papel.
 
I signed it. He got it from me. "Salamat po," sabi niya tapos ay umalis na.
 
I closed the door and when I turned around and glanced at the whole room, binigyan ako ng different looks ng mga classmates ko. Hindi ko na lang sila pinansin pa at bumalik na sa upuan ko.
 
Addison was grinning from ear to ear. "You didn't tell me may suitor ka na pala."
 
"Addie, wala."
 
"Eh kanino galing yan?" tanong niya.
 
I shrugged.
 
"Oh I guess mula sa secret admirer. He's sweet ah pero bakit isa lang?" tanong ulit ni Addison.
 
"Hindi ko alam," sabi ko at tinitigan pa din ang bulaklak. Kanino ito galing? At bakit alam niya ang favorite flower ko? Nagkataon lang ba o sadyang kilala niya ako?
 
Suddenly, napansin ko na may nakasabit palang papel sa bulaklak. It was folded into two. I unfolded it and the message was revealed, 'Meet me at the flagpole after class.'. Nakita din pala ito ni Addison.
 
"OMG! Taga-school lang si secret admirer?" tanong niya.
 
And before I could answer, someone cleared their throat in front of us.
 
I looked in front and saw Mr. Carpio looking at me.
 
"Dapat siguro pagsabihan mo Ms. Madrigal ang mga suitors mo na bawal istorbohin ang klase ko with their stupid acts," he said and I could feel there was venom in his voice.
 
Tumango na lang ako habang nakatingin sa baba.
 
"You should make sure dahil baka sa susunod ikaw na ang mapahamak because of detention."
 
Tumango ulit ako. "That won't happen again, Sir, I promise."
 
"Okay. At least now, we're clear," sabi niya at saka bumalik na sa table niya.
 
"Get a sheet of paper and answer numbers 1 to 20 on page 105. Hindi makakauwi ang hindi makakatapos," he said sternly.
 
Hala! Nag-iba ang mood niya. Is this my fault?
 
Maraming umangal. Sabi ng iba kong classmates hindi pa nakakapagbigay ng sample problem about sa diniscuss niya and it's impossible for us to finish it sa loob ng isang oras.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon