48

1.5K 35 19
                                    

48: Holiday

"Reese, mamayang lunch, hintayin mo ako o si Dale na sunduin ka sa classroom mo. Okay?"

Huminga ako ng malalim, tinapatan ang tingin ni Theo. I was still not okay with the idea. Pero wala naman akong magagawa. Kagabi, kinausap nila ako pareho ni Dale na asahan kong sa school ay mas babantayan na nila akong dalawa.

At hindi ko na naman alam kung bakit dahil wala naman nang magagawa pa iyong nagbalak sa akin. Nasa ospital pa rin kasi ito dahil unconscious pa rin. Pero may naka-assign ng mga pulis dito para oras na nagkamalay ito at pwede nang lumabas ng ospital ay sa kulungan ito ididiretso.

But still, I had to admit na thankful ako't ginagawa nila ito. Dahil hindi ko man maamin, naroon pa rin sa akin ang trauma mula sa nangyari. I still felt paranoid at times. Yung feeling ko na kahit anong oras baka may magbalak na naman sa akin nang hindi maganda.

Same things I told my psychiatrist the other day. Last Monday, I finally went to see one. Pagkatapos na makausap sina Mommy at Theo at sabihin sa kanila ang lahat ng dapat nilang malaman, ang sunod naming ginawa ay ang maghanap ng doctor na pwedeng tumulong sa akin. Thankfully, Dale's mom knew one. Close friend of hers. At iyon na nga 'yung mineet ko.

Nakatingin pa rin sa akin si Theo, naghihintay ng kompirmasyon ko. Kaya't tumango na rin ako.

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago tumingin na sa harap. "Lets all get to class then."

Si Dale ang naghatid sa akin hanggang sa labas ng classroom namin.

"Will you be okay here?"

Napangiti ako sa tanong niya. I know it's only been five days since the incident. At naroon pa rin 'yung trauma at hindi pa ako lubusang okay. But still, I had to go to school. Mas mag-iisip lang ako kapag magsstay ako sa bahay.

"Okay na ako," sagot ko. "Saka, nandyan naman si Addie eh. And I'll see you guys later at lunch."

Tumango-tango siya. "Okay, see you later."

Lumapit siya sa akin at hinagkan ang aking noo bago huli akong tiningnan saka tumalikod na't naglakad papalayo. Binuksan ko naman na iyong doorknob at tinulak ang pinto, ang sumalubong sa akin ay ang tingin ng mga kaklase ko. Gulat na tingin.

Marahil ay nagtataka sila kung bakit narito na ako.

Dahan-dahan akong nagpakawala ng ngiti. "Good morning."

"Reese!"malakas na tawag ni Addison at nakita ko na lang siyang nagmamadaling lumapit sa akin saka yumakap. "Bakit ka na pumasok?"

Hindi ko napigilan ang tawa sabay tapik sa balikat niya. Bahagya akong lumayo at pinanliitan siya ng mga mata. "Bakit? Gusto mo bang madagdagan 'yung absent ko? Ayoko ngang makakuha ng award ng pagiging most absenera sa school end, no!"

Napakagat siya ng labi ngunit hindi pa rin napigilan ang tawa.

"O sige na, ikaw na ang masipag pumasok," aniya at lumingkis sa braso ko. "Pero tara na't umupo na seats natin. Baka dumating na si Ms. Reyes at mapagalitan pa tayo."

Ginawa namin iyon ni Addison at sunod-sunod nang lumapit ang mga kaklase ko, bawat isa'y kinamusta ako't nagbigay ng encouragement. At nadatnan pa nga kami ni Ms. Reyes sa ganoong estado. Mabuti na lang at hindi naman siya nagalit. Sa halip ay tinawag lang ako para makausap sa labas.

At kinabahan pa ako nang nasa hallway na kami. Ngunit gaya ng iba'y nangumusta rin siya at sinigurado na ayos na akong pumasok. At sobra ko iyong naappreciate. Ang totoo pa nga'y dumalaw rin si Ms. Reyes kasama si Sir Carpio noong Lunes sa bahay, kinamusta ako. Nang ma-reassure ko na si Ms. Reyes na okay na ako ay sabay na rin kaming pumasok sa loob ng classroom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon