3

3.2K 96 2
                                        

3: Math

     Inilingan ko na naman si Addison. Paano, kanina pa may laman ang mga ngiting binabato sa akin.

"Ano ba, Addison?" hindi ko na mapigilan pang tanong saka binaba ang hawak na tinidor sa plato ng pasta na hindi ko na matutukang kainin.

"Ano?" patay malisya niyang tanong saka tinuloy pa rin ang pag-ikot ng tinidor doon sa pasta niya. Sinimangutan ko siya.

"Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?"

Bumalik na naman ang nakakaloko niyang ngiti saka tuluyan nang tumigil sa pagpapanggap na interesado siya sa pagkain sa harapan. Impit naman siyang napatili. "Kinikilig kasi ako eh!"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Saan?"

"Kay Dale," sagot niya. At pang-iikutan ko na dapat siya ng mata pero natigilan sa mga sumunod niyang sinabi. "Para lang siyang Prince Charming kanina na pinagtanggol ka sa evil stepsister mo."

Naubo ako. Seryoso ba itong si Addison ngayon?

"Addison," seryoso kong tawag sa kanya.

"Yes, princess?"

Hilaw akong natawa sa kanya. "At talagang ipu-push mo 'yan?"

Napaismid siya sa akin. "Ang KJ KJ mo talaga!" inis niyang sagot. "Minsan na nga lang ako matuwa e, gaganyan ka pa."

"Because that's not funny!" sagot ko. "And for sure, sinabihan lang siya ni Theo na gawin iyon. After all, it was his fault. Sa kanya nagsimula 'yung issue."

Nagkibit-balikat na lang si Addison at hindi na sumagot pa. Pero mas gusto ko namang ganyan siya kesa naman 'yung ginagawa niya kanina. Ayoko lang na inaasar niya ako kay Dale. Ayokong pag-usapan iyong mga damdamin na hindi naman talaga nag-eexist.

***

Mabilis na tumakbo ang oras at bago ko pa malaman ay oras na para sa last subject namin ngayong araw—ang Math, aka, ang pinakaaayawan kong subject.

At kahit pa ang teacher namin dito ay si Mr. Carpio, na sa mga kaklase ko'y naging dahilan para simulan nilang mahalin ang asignaturang ito, wala pa ring epekto sa akin. Complicated pa rin ang relationship namin ng Math bandang huli.

Sabi nila, kapag mahal mo, magagawa mo ring maintindihan. Pero bakit kahit gaanong pagmamahal ang ibigay ko sa subject na ito'y hindi ko pa rin maintindihan?

"Twenty-five," dinig kong bulong ni Addison.

Hindi ako tumingin sa kanya at nanatili lang nakatitig sa pahina ng Math book ko, kung saan ay sinasagutan namin para sa seatwork ngayong hapon.

Binasa ko iyong pangalawang problem na kasalukuyan kong sinasagot dahil sumuko na ako sa number one. Inisip kong iyon bang sinabi ni Addison ang sagot. Ano na nga ba iyon? Twenty-five?

Napabuntong-hininga naman ako. Alam naman kasi ni Addison na ayaw na ayaw kong tinuturuan sa ganitong bagay. Kahit pa nahihirapan ay gusto ko pa ring makuha ang sagot sa sariling pagsisikap. Lalo na't seatwork pa ito. At kabilin-bilinan ni Mr. Carpio na bawal ang brainstorming kahit seatwork.

"Hoy," balik kong bulong kay Addison. Tumingin naman siya sa akin. Inikutan ko siya ng mata. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo. 'Wag mo akong bibigyan ng sagot."

Doon ay humagikhik siya. "Hindi 'yun sagot."

"Eh ano yun?" mahina kong tanong.

"Twenty-five. Twenty-five times kong nahuli si Mr. Carpio na tumingin sa iyo," bulong niya sabay kagat ng labi.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon