33

1.1K 45 7
                                    

33: Breakfast

DALE got those kisses. Well, not all of those since sobrang dami naman n'un. At feeling ko di lang pamamaga yung mangayayari sa lips ko kapag pinilit kong bayaran lahat ng kisses na 'yun. Posible bang mapudpod yung labi sa sobrang dami ng halik?

Anyway, yun na nga. Every night this week, sinigurado niyang makakabayad ako nung mga utang kong halik. And I couldn't even count how many times we kissed each night. Basta alam ko lang pagod na pagod ako kapag patapos na kami at kinaumagahan ay laging napapahaba pa ang tulog ko. To prove that, wala na lagi si Dale sa tabi ko. At nung minsan pa, si Theo yung nanggising sa akin. That's how tiring it was.

Yet still, hindi ko rin madedeny kung gaano kasarap sa pakiramdam. Saksi yung mga insekto ko sa tyan doon. Lalo pa't parang habang tumatagal mas nagiging good kisser si Dale.

Kaya nga yung naunang balak na dapat ay bibilangin ko iyon ay hindi ko na magawa-gawa. Paano, laging nawawala ako sa huwisyo kapag magdidikit na yung mga labi naming dalawa. At sa huli, pinanindigan ko na lang yung pagka-ayaw ko sa Math. Hindi na ako nagbilang pa.

Huminga ako nang malalim ako kasabay ng pag-angat ng kaliwang kamay at ang mga daliri'y marahan kong dinampi sa labi. Nakatingin ako sa puting kisame pero tila mayroong mga imaheng naglalaro doon. Images from last night.

Last night...well, it's like the most intense kissing that we did. Kahit ang isipin pa lang iyon ay sapat na para mag-init ang pisngi ko at ilang bahagi ng katawan. But it was really intense. Intense, sa sense na parang kagabi, papayag ako kung nanaisin ni Dale na maglevel up yung ginagawa namin.

I closed my eyes, slightly ashamed of that thought. I know, Mom didn't raise me for that. Alam ko rin na dapat hindi ko basta ibinibigay yung mga bagay-bagay. Even if it's to Dale, whom I love.

Pero, minsan, kapag nasa gitna ka na ng sitwasyon, kapag puno ka na ng iba't ibang sensasyon, ang hirap nang makapag-isip ng tuwid, gusto mo na lang magpatangay.

That's why I'm thankful to Dale. Kasi sobrang lakas ng restraint niya. Siya yung mas matatag sa aming dalawa. Dahil kahit sa sarili ko lang aaminin, marupok ako. At dama kong kaunti na lang ay bibigay na ako.

Naligo ako para malinis ang katawan, at para malinis na rin kung anu-ano ang pumapasok sa isipan. Nang makapagpalit sa damit pambahay dahil Sabado naman ngayon ay dumiretso na ako sa hapag kainan.

Napasimangot ako nang makitang isang pinggan lang ang naroon saka yung bowl ng kanin. Walang pancake. Ibig sabihin hindi dito magbebreakfast si Dale. Pero bakit isa lang yung pinggan?

Theo appeared then, holding a plate of omelette. Ibinaba niya rin iyon sa mesa, katabi ng kanin. I gave him a onceover and saw that he's wearing his jersey shorts and a Nike shirt.

That can totally pass as his pambahay get up if he's not only wearing his running shoes.

Hindi naman pwedeng magdya-jogging palang siya since it's kind of late for that now. Past seven na nung bumaba ako ng kwarto. Mainit na rin niyan sa labas.

"Kumain ka na dyan," sabi ni Theo at tinuro iyong pagkain.

Doon na ako nagtanong. "How about you?"

"Tapos na ako kanina pa," sagot niya. "Saka pupunta din ako ng school ngayon. Coach called for an early practice."

Tumango ako. On some Saturdays, the basketball team of our school has their practice. Pero sa pagkakaalala ko'y laging sa hapon iyon. Very rare lang yung pagkakataon na natatapat iyon ng umaga. And today is one of those rare moments.

Tumingin si Theo sa cellphone niya bago inilagay iyon sa bulsa. "I have to go now," paalam niya. Tumango akong muli at pasagot na dapat nang bigla niyang iniangat ang kamay. "Ay nakalimutan kong ibilin, pagkatapos mong kumain, pakidalhan si Dale ng pagkain sa kanila. Naprepare ko na yun sa kusina, nasa tupperware, nakapatong doon sa mesa."

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon