16

1.8K 68 4
                                        

16 : Necklace

I smiled bitterly. I was so stupid. Ang tanga tanga ko. Inisip kong hahalikan ako ni Dale. In the first place, bakit nga naman niya ako hahalikan eh wala naman siyang nararamdaman para sa akin?

Sigh. And that thought was like a stab in my heart.

I don't know why but I was hurt knowing the truth that Dale doesn't feel something for me. Bakit ako nasasaktan? Hindi ko alam. Could it possibly I'm...

Natigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang alarm clock.

Tumayo na ako at in-off ito.

I sighed. Paano ko haharapin si Dale pagkatapos ng nangyari kanina?

Sinubukan kong alisin muna ang mga bagay na yun sa isipan ko at nag-umpisa ng kumilos.

And I did it in a very slow manner. Yung tipong inuubos ko ang oras sa bawat bagay na ginagawa ko. Ayoko talagang magbreakfast. Kung pwede nga lang wag na sana akong lumabas sa apat na sulok ng silid na ito.

I was looking at the mirror as I slowly brushed my long hair. And absentmindedly, nadako ang tingin ko sa labi ko.

I bit my lower lip. I wondered how it feels like to be kissed.

At kung natuloy ba yun, what would happen next? Would it be awkward between the two of us? Would he regret it? Or is there a chance that he'd say he likes me?

Sana yung huli na lang ang sagot. Though it seemed to be impossible, sana may gusto sa akin si Dale. Kasi parang gusto ko na siya?

I was unsure though. Pero paano ko ba maipapaliwanag ang naramdaman ko pag kasama ko siya?

I wanted to be always with him though sometimes he makes my heart raced when I feel his arms around me.

Kahit na ang buong personality ay isinisigaw na he couldn't be trusted, his presence beside me is enough to give me security.

And though his smirk annoys me bigtime, his smile, undeniably, makes me wanna smile too.

At kahit na wala akong karapatan, gusto ko siyang ipagdamot. At ilang beses na ba akong nagselos sa tuwing nakikita siyang may kasamang iba?

Sigh. Bakit ko ba nararamdaman ito?

I was still looking at the mirror nang may biglang kumatok sa pinto.

"Reese, gising ka na ba? Breakfast na," sabi ni Theo mula sa labas.

Ayoko talagang lumabas at makita si Dale.

Sabihin ko na lang kaya na hindi ako makakapasok dahil nilalagnat ako, o di kaya masakit ang tiyan ko.

Sasagot pa lang ako nang biglang bumukas ang pinto. At mula sa salamin ay nakita ko si Theo na ayos na ayos na.

"Gising ka na pala, hindi ka man lang sumasagot," he said in a bit irritated tone.

I just kept on looking at him, still not saying a word. He furrowed his eyebrows. Lumapit siya sa akin. Dinama niya ang noo ko, maging ang leeg.

"Wala ka namang sakit. Bakit ganyan ka?" tanong niya habang tinitingnan akong mabuti.

I shook my head. "Wala. May iniisip lang," sagot ko pagkatapos ay umalis sa harapan ng salamin at pumunta ng study table para ayusin ang mga gamit ko.

"Sure ka, okay ka lang?"

Huminto ako sa ginagawa at tumingin sa kanya. "Yeah. Sige aayusin ko lang 'to, Theo. Susunod na lang ako."

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon