38

821 34 4
                                    

38: Camp

Nang dumating ang Lunes, bumalik na ulit kami sa dati. Kasabay na namin si Dale magbreakfast pati pumasok sa school. Actually, nung weekend pa muling sumama sa amin si Dale at of course, present na naman yung favorite kong pancakes.

Pero kahit na tanggap na kami ni Theo, Dale and I were very careful to limit yung PDA naming dalawa lalo pa't sa harapan ng kapatid ko.

Katatanggap lang sa amin ni Theo. Ayoko naman na ma-bad trip siya sa amin kaya ingat na ingat din kami ni Dale. Mabuti na lang talaga at nakakapagmoment pa rin kami sa kwarto ko. At least nababawi namin dun.

"May meeting kami mamayang lunch sa team," sabi ni Dale nang makababa na kami ng sasakyan. "Baka hindi na tayo makapagsabay maglunch."

Tumango ako sa kanya. "It's okay. Kasama ko naman si Addison."

"Okay," sagot ni Dale at akmang lalapatan ako ng halik sa noo nang marinig naming tumikhim si Theo.

Agad kaming naghiwalay ni Dale at tumingin sa kapatid kong nasa labas na rin ng passenger's side. Sumilip ito sa relo. "It's ten minutes before the class starts. We should get going. Lalo ka na, Reese. Hindi ba't istrikto sa time si Ms. Reyes?"

Napasimangot ako pero tumango pa rin kay Theo. Kahit forehead kiss, limited na din.

Nagpilit ako ng ngiti at kumaway na sa dalawa. "Sige, ba-bye na. See you mamayang uwian."

At uwian ang talagang hinintay ko buong maghapon. Mabuti na lang at puro review na lang ang mga ginagawa namin sa klase dahil sa nalalapit na exam. Pero, iba ang naging ihip ng hangin nang pumasok si Mr. Carpio sa classroom.

Pansin na ang ibang mood nito nang bumati kami ngunit hindi ito bumati pabalik. Pero hindi pa rin inaasahan ng lahat nang biglang ipalagay nito ang gamit namin sa unahan ng classroom at sinabing meron kaming surprise quiz.

Sari-saring ungol ang narinig sa loob ng classroom pero wala naman kming magawa kundi ang sumunod na lang. At doon lang naubos ang oras namin sa Math. Sa surprise quiz na nabigo pa akong tapusin lahat.

"Grabe! Feeling ko ang onti lang ng tama ko doon," nalulumong sabi sa akin ni Addison. "Bakit naman kasi ganoon si Sir Carpio? Nambibigla?"

May ilan naman akong siguradong tama doon. At feeling ko naman papasa ako. Medyo nangiti ako. Laking tulong din ng pagtututor ni Dale at hindi na talaga ako nabobokya sa Math. Pero tama nga si Addison, masyadong nangugulat si Mr. Carpio.

"Oo nga eh," sagot ko na sa kaibigan. "Saka nakita mo ba yung itsura niya nung pumasok? Parang sobrang bad mood."

Humalikipkip si Addison. "Hmp," maktol niya pa rin. "Mukhang maniniwala na ako sa naririnig kong chismis."

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Chismis?"

Tumango-tango sa akin si Addison. "Oo. Paano, nadinig ko nung nakaraang linggo na hindi na sila lumalabas ni Ms. Reyes. Which makes sense. Kasi pansin mo si Ms. Reyes kaninang umaga? Parang wala siyang energy. Normally, masungit 'yun eh. Pero kanina, parang wala lang."

Napabuntong-hininga si Addison. "Nakakainis naman. Nadadamay tayo sa problema ng mga teachers natin. Nakakaloka."

*

"Bakit ang haba ng nguso mo diyan?"

Napaangat ang tingin ko at agad na ngumiti nang makita si Dale. Umalis ako sa pagkakasandal sa sasakyan ni Theo at medyo lumapit sa kanya.

"Hi," nakangiti ko pa ring bati sa kanya baka iginala ang tingin saka binalik sa kanya. "Si Theo?"

"May dinaanan lang. Pero parating na rin 'yun," sagot niya. "So why the long face?"

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon