10 : Party
"Reese, labas na diyan. Patingin na ng damit mo," tawag ni Addison mula sa labas ng bathroom ko.
Hindi naman ako mapakali habang nakatingin sa salamin. Masyado kasing maikli itong black tube dress na pinasuot sa akin ni Addison.
Kapag hinihila ko pataas, na-e-expose ng mabuti ang thighs ko. Kapag hinihila ko naman pababa, nakikita na yung part ng chest ko. Ano ba ito? Dapat hindi ko na lang pinayagan si Addison na pumili ng damit ko.
So, today’s Friday. Kamila’s birthday party. And yes, as Dale promised in exchange to the favor I’ve done for him, siya ‘yung nagpaalam para sa akin kay Theo.
I don’t know really kung anong sinabi niya sa kapatid ko. But I’m just really thankful na napapayag niya si Theo.
At tapos na nga ako sa pagpapaalam na part, dito naman ako sa outfit na part nagkakaproblema.
Kumatok ulit si Addison. "Reese, ano ba! Ba't ang tagal mo?" sigaw niya.
I heaved out a sigh as I took a last glance at the mirror. Hindi ko talaga susuotin 'to.
Lumabas na ako mula sa banyo.
"Oh my! You are so hot, Reese! Bagay na bagay sayo. Pagtitinginan ka for sure," sabi ni Addison habang pumapalakpak.
And I winced. That’s surely not what I want.
"Ayoko, Addie. Hindi ito ang isusuot ko," sabi ko at dumiretso sa cabinet.
"Ano? Bakit naman?" sure ako sa tono ng boses ni Addison, nanlumo sya.
"Eh, Addie, hindi mo ba nakikita, masyadong maikli para sa akin. Masyadong revealing," reklamo ko.
"Ano ba, Reese, nasa nagdadala ‘yan,” aniya. “Ang ganda nga eh, bagay sayo,” pagpipilit niya.
Umiling ako. "Basta ayoko, Addison. Hindi ako komportable dito. Magpapalit na ako."
I heard her sigh. "Kapag umiral nga naman ang pagkamatigas ng ulo mo, wala na akong nagagawa. Kung ayaw mo, ayaw mo talaga," sabi nya pagkatapos ay pumunta sa kinaroroonan ko.
"Tabi nga diyan. Hahanapan kita ng outfit na di revealing," sabi niya tapos ay tinulak ako ng marahan.
Nangiti ako. Talo na naman si Addison sa akin.
Tumagal din ng ilang minuto ang pagtatalo namin sa susuotin ko. Syempre, panay pa rin ang reklamo ko sa mga damit na pinipili nya. At yun nauwi kami sa ripped jeans at gray halter top. Ang totoo hindi pa rin approve si Addison sa outfit ko. Pinilit ko lang talaga siya. Eh wala din naman syang magagawa.
I let my long black hair down. Tapos hinayaan ko na rin si Addison na lagyan ako ng make-up pero light lang. Overall, okay naman ang itsura ko. Mas gusto ko na ang ganito, hindi makakatawag ng pansin.
But I realized parang may kulang. Ah! Alam ko na. Pumunta ako sa drawer at kinuha ang isang black accessories box. Binuksan ko ito.
Kinuha ko yung gold necklace na may heart locket. Birthday gift sa akin ni mommy nung ten years old ako.
Lumapit sa akin si Addison. “Isusuot mo?”
Tumango ako.
“Himala ata. Sinusuot mo lang yan pag may special events,” saad niya.
“Special naman ngayon ah. First night party ko na pupuntahan ang birthday ni Kamila ‘no,” sagot ko.
Tatawa na naman sana siya nang pigilan ko siya. “Ano ba, Addison, wag ka ngang tumawa dyan. Isuot mo na lang sa akin ito at nang makaalis na tayo,” sabi ko at ibinigay sa kanya ang necklace.
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...
