2

3.4K 101 5
                                    

2: Old Friend

     Hinila ako nito papalapit sa katawan nito habang ang isang kamay ay nasa bibig ko pa rin. Ang likuran ko ay tumatama sa harapan nito habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nito sa akin. Naramdaman ko ang hininga nito sa may leeg ko pagkatapos ay sa tenga. Mas lalo akong nagpumiglas. Sino ba 'to? Ano bang kailangan nito sakin?

"Sshh sweetheart, it's just me," bulong nito at naging dahilan iyon para unti-unti akong kumalma.

Marahil naramdaman nito ang pagtigil sa pagpalag dahil niluwagan na nito ang pagkakahawak sa akin at inalis na rin ang kamay sa aking bibig.

Nang tuluyan na akong makawala mula dito ay agad akong umikot para ito'y harapin.

And there he was looking like a devil, having this annoying smirk, again.

"You reacted as if I saw you naked," wika ni Dale habang ang mga mata'y matiim pa ring nakatingin sa akin.

And if mockery or amusement was in his voice, I couldn't tell.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Then my eyes went down to my body. Nakasuot ako ng white tank top and black shorts. At laking pasasalamat ko dahil baka nakita nya na ako just in my underwear kung di ako nasanay magsuot ng ganito sa ilalim ng uniform ko.

"Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong.

"Gusto lang kitang makita," kaswal niyang sagot.

Ano bang pinagsasabi niya? Eh kanina pa kami nagkikita ah. Di kaya...

"Makita? Makitang nagbibihis?" bintang ko.

He shrugged. "I guess you could say that."

At napanganga ako habang naramdaman ang pamumula ng aking pisngi.

"Pervert!" sigaw ko sa kanya.

Tumawa si Dale. "Bakit?" untag niya. "Wala naman akong nakita ah. Pwera na lang kung...huhubarin mo 'yan para sa akin," he suggested. Pagkatapos ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa, at pabalik ulit sa mukha.

At mas lalo ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko kasunod ang pagkulo ng dugo ko.

"God, sweetheart you're blushing," puna ni Dale.

And I felt my cheeks grew redder. I tried to compose myself. Pagkatapos pinaulanan ko siya ng matalim na tingin.

"Kanina ka pa, Dale, ah. Hindi ka ba titigil? Pinahamak mo na nga ako kay Mr. Ruiz kanina tapos ngayon gusto mo pa akong silipan!" galit kong sabi sa kanya.

"Whoa! Whoa!" he raised both of his arms. "You're accusing me too much. Hindi kita pinahamak kay Mr. Ruiz," tanggol niya sa sarili.

"Anong hindi? Eh bakit mo siya tinawag kanina? Tapos sinigaw mo pa. Sinadya mo yun para mahuli niya ako!"

"Kinausap ko si Mr. Ruiz dahil may kailangan ang basketball team sa kanya at isa pa, kahit na sumigaw ako, hindi ka mahuhuli kung hindi ka late sa klase niyo."

"Thank you sa pagpapaalala. Nang dahil sa iyo kaya ako nalate," ganti ko sa kanya.

"Bakit, sinabi ko naman na pwede mong isuot yung boxers ah!"

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon