44: Distractions
"Reese, sorry na lang kay Theo pero kapag may nanligaw sa akin tapos ganito ang sasakyan, sasagutin ko kaagad," buong loob na sabi sa akin ni Addison.
Doon kami pareho sa likuran ng BMW ni Mr. Carpio nakasakay. Na nakakahiya dahil nagmistulang driver namin siya pero ayoko namang pumuwesto doon sa harap. Hindi lang ako sanay. Si Addison ay pinili ring tumabi sa akin kaya wala kaming choice kundi ang humingi na lang ng dispensa sa guro dahil parang driver namin ang labas siya.
Mahina lang na natawa sa amin si Mr. Carpio at basta hinayaan na lang kami. Nagpatugtog lang siya at ngayon nga'y may pop music nang background. Kami naman ni Addison ay tahimik lang dito sa likuran na natigil nang ibulong niya sa akin iyon.
Napailing naman ako sa sinabi niya't mahinang natawa.
"Mukhang hindi ka pa rin makakawala kay Theo," mahina kong sagot sa kanya.
"Bakit naman?" tanong niya pabalik.
"Dream car nya ito eh," agad kong sagot. "Kaya in the near future, ito din ang bibilhin n'un. Unless may maunang manligaw sayo na ganito ang kotse."
Napakagat ng labi si Addison pero kitang-kita ko ang kilig sa mga mata niya. "OMG, Reese! Meant to be talaga kami niyang kapatid mo. Grabe lang."
Umiling na lang ako. Mahina niya akong pinalo at sinabi, "Mag-agree ka naman oy!"
Hindi ko na napigilan pa ang tawa. Ganoon din si Addison. At nakuha noon ang atensyon ni Mr. Carpio.
"What's up?" silip sa amin ni Sir sa rearview mirror. "Why are you both laughing?"
"Ah, wala lang po Sir," as usual, si Addison na naman ang sumagot. "Pinag-uusapan lang po naming yung crush ko."
Pinanlakihan ko siya ng mata. Wala lang tapos sasabihin din pala. Ano kaya 'yun?
"Oh, okay," tikhim ni Mr. Carpio at inisip ko kung nailang ba siya sa sinagot ni Addison. Pero nawala din agad iyon sa sunod niyang tanong. "Yang crush mo bang 'yan ang date mo sa formal?"
Nahihiyang may halong kilig na natawa si Addison. "Hindi pa po niya ako inaaya eh pero sana po," sagot ng kaibigan kong tila naging instant chitchat buddy si Sir.
At lihim naman akong napangiti. Ang cute lang kasi na makitang ganyan si Sir Carpio. Iba kapag sa classroom na strikto at kung minsan pa nga'y talagang grabe magalit at pinaparusahan kami sa surprise exams. Pero dito ngayon, tila ang gaan niya lang kasama, kausap.
Naroon pa rin ang isipan ko nang mamalayang sa akin na nakatuon ang tingin ni Sir bago ito nagtanong, "How about you, Ms. Madrigal. May date ka na ba?"
At bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Addison. "Naku. Yan pa, Sir. Eh may lovelife yang si Reese. Kung hindi pa po kayo informed, sila na po ni Dale Carter. Yung sa Grade 12 po."
Napasapo ako ng noo sabay baling kay Addison. Marahan kong hinila iyong gilid ng blouse niya saka mahina siyang sinutsutan. "Addison."
Inosente naman siyang bumaling sa akin. "Bakit?" tanong niya sa normal na lakas ng boses. "Dapat proud ka sa boyfriend mo. Diba, Sir?"
Mahinang natawa mula sa harapan si Mr. Carpio pero tumango din. "That's right, Ms. Madrigal." Tiningnan ako nito muli doon sa salamin saka nakangiti nitong idinugtong, "You should be proud of your boyfriend."
At hindi ko alam kung bakit ngunit sa kabila ng pagngiti ni Sir ay may kakaiba pang emosyon ang dumaan sa mga nito. At bago ko pa mapagtanto kung ano iyon ay umiwas na ito ng tingin at sa pagmamaneho na na itnuon ang atensyon.

BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...