7: TutorHabang kumakain ako ng paborito kong pancake ay hindi maalis ang tingin ko kay Dale. Paano ay panay ang hikab niya. Halatang kulang sa tulog. O posible ring wala.
Kahit na sobra akong nagpapasalamat sa kanya sa paggawa ng mga assignment ko ay nandoon din ang guilt. Dapat ako ‘yung walang tulog eh. Assignment ko ‘yun. Pero ang galing ko lang na matulog kaagad.
“Puyat ka ‘ata, Dale,” puna ni Theo.
Ngumiti lang si Dale at patuloy pa rin sa pagkain.
“Wala naman tayong assignment ah,” sunod na sinabi ng kapatid ko. “Bakit ka napuyat?”
“Ah, nagpalit kasi ng bedsheet si Mommy,” sagot ni Dale at lihim marahan akong napailing. He was lying. Pero nagpatuloy lang si Dale kanyang palusot. “Parang nanibagi ako kaya di ako nakatulog.”
“Talaga ba?” makahulugang tanong ni Theo. “O baka naman sa kama ka ng iba natulog.”
“Huh?” tanging nasambit ni Dale.
At parang ayaw namang bumaba ng pagkain sa lalamunan ko.
"Joke lang, dude," sagot ni Theo at napansin ako. "Oh, Reese, anong nangyari sayo?"
"Tu...big," sagot ko habang sunod-sunod ang naging pag-ubo.
Agad akong inabutan ni Theo ng tubig at ininom ko naman ito. Nakahinga na ako ng maayos.
Ano ba ‘yan? Bakit parang ako naman ang affected sa joke ni Theo?
Mabuti na nga lang at hindi na iyon pinansin pa ni Theo. Matapos na tanungin kung ayos na ako’y nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
Pero, hindi nakaligtas sa mata ko ang ilang beses na pagtingin ni Dale sa akin.
*
Nang nagpark si Theo sa school grounds ay saka palang ako nakahanap ng tiyempo para makausap si Dale.
Pagkababa niya ng kotse ay lumabas na agad ako. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon na nasa loob pa ng sasakyan si Theo.
"Dale,” tawag ko dito nang maabot ang gilid niya. Tumingin naman siya sa akin at nagtaas ng kilay. Doon ko na sinabi ang pakay ko. “Salamat doon sa paggawa ng assignment ko. Hindi mo naman kailangang gawin ‘yun pero ginawa mo pa rin kaya salamat.”Nagkibit-balikat siya. "Wala ‘yun. Peace offering ko na rin sa nagawa ko sa’yo. Doon sa kiss.”
Nag-iwas ako ng tingin, naramdaman ang init na dumaloy sa pisngi ko. Pinaalala niya kasi iyong kiss.
"Di ka na ba galit?" narinig kong tanong ni Dale.Doon na ako muling tumingin sa kanya. “Okay na ‘yun.”
"Talaga?” pagkumpirma niya at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng isang gilid ng kanyang labi. “Eh di pwede na kitang halikan ulit?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Dale," I even used my warning tone.
Natawa siya. "Just kidding, sweetheart."
Sakto namang lumabas si Theo. "Reese, bakit nandito ka pa?"
"May tinatanong lang ako kay Dale. Sige, mauna na ako," sagot ko at naglakad na papalayo bago pa makapagtanong ng kung anu-ano ang kapatid ko.Nang dumating ako sa classroom ay halos marami ng tao. Naroon na rin si Addison na abala sa pagtingin doon sa cellphone niya. Agad akong lumapit doon sa pwesto naming dalawa at umupo doon sa silya ko.
Inangat na ni Addison ang tingin sa akin at doon ko pa lang napansin na nakasimangot siya.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" nagtataka kong tanong.
"Taken na si Sir Hottie," mahina niyang sagot.
"Huh?"Umismid sya. "Si Mr. Carpio, taken na. Yan kasi ang kumakalat sa buong school. Paano, nakita sila ni Ms. Reyes na sabay umuwi. Tapos may nakakita pa sa kanilang dalawa na kumain sa isang resto," sagot niya.
BINABASA MO ANG
His Other Side (on hold)
Teen FictionJerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong gi...