29

1.9K 57 5
                                    

29: Dinner

"I thought next week pa po ang uwi niyo," sabi ko kay Mommy nang makaupo kami sa sofa doon sa sala. Naroon pa ang dala niyang gamit at ngayon nga'y kasalukuyan siyang naglalabas ng mga dalang pasalubong.

Tumigil siya sa ginagawa at nakataas ang kilay na napatingin sa akin. "Bakit parang hindi ka masayang nandito ako? Ayaw mo bang maaga akong umuwi?"

Nanlaki ang mga mata ko. What? Did I really sound like that?

"Hindi naman sa gan'un, Mommy," agad kong tanggi. "Syempre po masaya akong nandito ka, miss na kaya kita," sabi ko't lumapit sa pwesto niya, ang mga kamay ay inikot sa bewang niya habang ang mukha'y sinandal sa kanyang braso.

Mom chuckled then I felt her hand moved over mine, holding it.

Inangat ko na ang tingin at sinalubong ang nakangiti na niyang mukha. "Nasurprise lang po ako na maaga kang nakauwi."

Pinisil niya 'yung pisngi ko.

I mocked hurt and oved away from her, holding now my slightly hurt cheek.

"You still have those chubby cheeks," tukso ni Mommy sa akin. "Anyway, medyo napabilis kasi 'yung paggawa nila. Siguro in two weeks, makakapagbukas na ulit ang branch doon."

Unfortunately, yung branch naming doon ay naapektuhan ng sunog na nangyari kamakailan. At dahil medyo malaki 'yung nagging pinsala, tinutukan talaga ni Mommy yung pagpapagawa.

"Mabuti po kung gan'un. Yung mga employees pa rin po ba dati, sila pa rin ang magtatabaho doon?"

Tumango siya sa akin. "Yes. Sila pa rin. But I don't have a branch manager there right now. Kasi alam mo naman 'yung nangyari kina Melinda, diba?"

I nodded. That was the branch manager and sadly, nagkasakit ang anak nito kaya't kinakailangan nilang dalhin ito dito sa Manila para maoperahan. Nagsabi din ito nab aka hindi na makakabalik sa trabaho dahil babantayan na lang ang anak.

"So, does that mean kayo muna po ang tatao doon?" tanong ko.

Mom nodded and I sadly smiled. Inabot niya ang buhok ko't marahang hinaplos iyon. "Gan'un talaga, anak. We sometimes have to sacrifice. But for the meantime lang naman, habang wala pa akong nahahanap na kapalit."

I nodded then, then gave Mom a reassuring smile. She's right, sacrifice was needed in our current situation. At sa dinami-rami nan ang nasakripisyo ni Mommy, nararapat lang na suporta ang dapat nakukuha niya mula sa akin. "Okay lang, Mom. I know mahirap po 'yung ginagawa niyo but still you manage to do great."

Napangiti naman si Mommy saka nagbago na ng topic. "Anyway, binabantayan ka namang maigi ni Theo, ano? O mahilig pa ring pumunta sa mga parties?"

Napakagat ako ng labi. I don't know how to answer that. But I had to. Kilala ko si Mommy. Hindi niya ako titigilan kapag hindi rin naman ako sumagot nang maayos.

"He still does," tapat kong sagot na siyang nagpakunot ng noo ni Mommy. Kaya naman agad na akong nagpatuloy, "But don't worry, Mom. Maaga naman po siyang umuuwi kaya nababantayan niya po ako. Sobra nga pong bantay eh."

Mom blew out a breath then she smiled, seemed pleased with my answer. "Well, I guess hindi ko rin naman talaga mapagbabawalan ang kapatid mo na lumabas. Nakahiligan niya na 'yan at ng mga kaibigan. As long as he takes care of you at inaayos niya ang pag-aaral then I'm okay with it."

Tumango-tango lang ako at nagpatuloy naman si Mommy sa ginagawa. Nang mailabas na niya ng lahat ng pasalubong ay inutusan niya na akong ilagay sa kusina iyon saka nagsabi siyang aakyat na sa kwarto niya sa itaas para ilagay ang gamit.

His Other Side (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon