Chapter 1 - Scarlet

550 3 0
                                    

Chapter 1 - Scarlet

“Oh my God, I think he’s the hottest guy in the campus! He's drop dead gorgeous!” nangingisay na naman sa kilig si Maddie habang kinikwento ang di umanoy eye-to-eye encounter nila ng crush niya. Actually, lahat ng gwapo ay gusto niya, ngayon ay ibang lalake na naman ang pinagmamayabang, naikot na ata niya ang lahat ng hearthrob sa school. Tsk!

“Uh, you Scare. May nakakuha naba ng atensyon mo dito sa school?” baling niya sakin. Naririnig ko siya kahit busy ako sa pagtatype para sa assignment namin sa English 4, Biography daw.

“Uhhh?” nakatuon parin ang pansin ko sa monitor hanggang nitype ko na ang panghuling salita. Madiin, malakas at maingay kong pinindot ang ‘period’ para tapusin ang istorya ko at binalingan si Maddie.

“Nope.” Ngumiti ako sa kanya at bumaling ulit sa laptop ko.

“Err, abnormal ka ata eh. Hindi mo ba napansin yung fourth year na gwapo, yung magaling sa soccer? Ano ka ba, are you even looking around?” abala ako sa pagtatype ng password ko para mag log-in sa facebook. She's so annoying!

“Na-uh” sabay iling sa kanya.

“Gosh! Hindi talaga?! I think his name is Liam?” kumawala ang mahinang halakhak ni Bella. Nilingon siya ni Maddie pero binalewala lang din. Eh panu ba naman, yung Liam na yun ay ang kuya kong maharot! At wala akong planong sabihin dahil siguradong magpapareto ito. I don’t like!

Hindi ko naman talaga tropa si Maddie, let’s say, one month ko palang siyang nakakasalamuha dahil iyon sa grouping namin sa PE. Si Bella talaga ang nakakasama ko nung elementary palang. Pero hinayaan ko nalang din siyang sumama samin, as long as she’s harmless.

“Hi Scarlet.” Ani ng isang lalake sa harapan ko. Tumingala ako at nakita ko ang isang gwapong lalakeng may oversized eyeglasses. Inabot niya sakin ang pulang bulaklak na may nakasabit na card. Kinuha iyon ni Bella.

“You are as beautiful as the day. Love, Paul” Maingay na binasa ni Bella ang pre-written message na naka tatak sa card.

“Mag-effort ka naman Paul kung di kuha sa internet, eh pre-written messages yung binibigay mo sa bestfriend ko. Konting effort pa!” Napailing ako sa sinabi ni Bella, hindi naman prangka itong kaibigan ko, pero sa sobrang kainosentehan niya eh lumalabas na napaka-harsh niya. And sometimes, she doesn't have any idea that she has offended someone.

“Thanks Paul.” Tanging nasabi ko sa kanya. Umalis na rin ito nang dumaan ang mga kaklase niya.

“Hi Scare.” Sigaw ng isang basketball varsity player sa may di kalayuan. Nasasanay na ako sa mga patawag-tawag ng mga tao sa akin, but don’t misunderstand, hindi naman puro lalake ang tumatawag sakin, nandyan ang mga school officers at minsan mga teachers, running for 1st honor kasi ako kaya maraming nagpapaturo o nagpapa-advice.

“OMG Scare, that’s Keanne!” ipit na tugon ni Maddie. Ngumiti lang ako sa Keanne na ngayo’y nakikipag-high five sa mga kasama niya. Siya yung crush ni Maddie last week.

“How do you effortlessly do that? I mean, nakaupo ka lang naman and hello, we girls are all pretty. Bakit ikaw lang ang pinapansin?” nakangusong sambit ni Maddie sa gilid. Hindi ko rin alam, I noticed and I’m happy about it, at kung ano mang anting-anting na meron ako, sana’y manatili nalang sya dun. I hope it does not wear out with time.

“Don’t get too upset Maddie. Marami namang secretly nakatingin sa’yo, I can sense!” sarkastikong tugon ni Bella, well as for me, it’s sarcastic, I don’t know if napansin ba iyon ni Maddie because Bella was staring at her see-through dress, medyo revealing.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon