Chapter 18 - Lagpas Na

101 1 0
                                    

Chapter 18 - Lagpas Na

Umugong ang bulungan sa classroom. May sinasabi pa si Prof pero wala ng nakikinig. Nalilito ako sa mga pangyayari and I need an explanation.

"I SAID QUIEEET!" namumula na ang mukha ni Mr. Yuzon dahil sa pagpipigil. Feeling ko umuusok na ang ilong niya sa galit. Parang nakikita ko na yung brain niya sa butas ng ilong niya. Gayumpaman, hindi parin tumila ang ingay sa loob although medyo kumalma naman.

Nakasimangot ang 'new classmate' namin. Nakapamulsa siya sa harap na parang walang paki sa commotion na dinulot niya. Inikot niya ang paningin niya sa buong classroom hanggang dumako ito sakin. Kumunot ang noo ko, bigla siyang nag-iwas ng tingin at ngumisi.

Napatili ang isang klasmeyt ko sa pagngisi niyang iyon. Nakita kong naghahyperventilate na siya sa kilig. Ang mga babae naman sa harapan ay naglalaway na sa view nila. D@mn those looks!

"Ms. Santiago get a hold of yourself!" parang magkakaheart-attack na si prof at malamang ay nagsisisi na siya dahil tinanggap niya si 'new classmate' dahil hindi magkandaugaga ang mga kaklase ko kahit nakatayo lang siya. Paano ba kung magsasalita na?

He cleared his throat.

"Ok everybody, your new classmate, Mr. Patrick Ryan Montero." Actually, hindi na kailangang ipakilala ni prof si ‘new classmate’ dahil kilala siya ng buong campus. Kahit nga kami noon ay hindi nagpapansinan ay kilala ko siya.

Isang unison na 'Hi Patrick' ang umalingawngaw sa silid na may konting hint ng kalandian. At napansin ko pang sumisilip ang mga punyetang babae sa kabilang seksyon. Namumukhaan ko pa yung iba dun sa sabunot incident. Hindi natinag ang pagsimangot ng nakatayong si Patrick sa harapan, as I say, iyon ata ang default face niya.

"Ok, please choose a seat." Utos ni prof. Luminga siya sa buong silid, buti nalang at walang bakanteng upuan sa tabi ko. I'm afraid kung nasa tabi ko siya eh araw-araw akong mahihilo sa mga paru-parung umiikot sa paningin ko.

Umupo siya sa likuran kasama ng mga boys. Bigo ang mga lokaret na nag-ooffer ng seat sa tabi nila, pero abot tenga parin ang ngiti ng mga fangirls na ito kahit suplado si 'new classmate'.  Alam na naman ata nilang may ‘girlfriend’ na si Patrick diba? I wouldn’t believe kung hindi pero kung makakirengkeng parin! Mga walang hiya!

Sobrang nakakabwisit ang klase namin at pakiramdam ko pati si Mr. Yuzon ay bwisit na bwisit na rin. Full volume na ang boses niya at parang lumalabas na ang mga ugat niya sa leeg. Tuwing nagsusulat siya sa blackboard ay lumilingon sa likuran ang mga lintik na fangirls, may isa pang naglagay pa talaga ng lipstick sa kalagitnaan ng addition at subtraction na kung anong equations na dinidiscuss ni prof.

Hindi makagalaw ang leeg ko sa pagiging praning. Nararamadaman kong nakatitig si Patrick sakin galing sa likuran. Biglang nag-init ang batok na parang tinutusok-tusok ng ilusyon kong paninitig niya. Minabuti ko nalang nahaplusin ang batok ko at iwaksi ang iniisip.

Maingay parin sa buong klase kaya halatang napipikon na ang prof namin. Pagod na siyang sumigaw at sumaway.

"Ok, Mr. Montero. Please answer this equation." tinaas niya ang kamay at inalok ng chalk si Patrick. Now he’s going to abuse his power as a professor.

Nilingon ko si Patrick habang binabasa niya ang kanyang notes bago tumayo. Doble-doble ang kaba ko, parang gusto ko siyang saluhin. Malamang gustong pahiyain ni Mr. Yuzon si Patrick para siguro madala ang mga bwisit na maiingay na babaeng ito.

Oh my gosh! Last time I checked he’s dull! How can he answer this equation?

Nagsimula siyang magsulat sa pisara. Kinocoach ko siya sa isip ko kahit hindi naman niya naririnig.

Transpose n then change the sign. Get n that should be 3. So far, so good. Let x be 9 plus n which is 3 your answer should be...

"12" sambit niya at binigay kay Mr. Yuzon ang chalk.

Sinuri ni Mr. Yuzon ang proseso ng sinulat ni Patrick. Naghahanap pa ata ng mali kahit klarong klarong Perfect!

"Very Good!" sabay lagay ng check sa pisara.

Nabunutan ako ng tinik at nagputukan ang mga imaginary confetti sa classroom para icongratulate siya. Syumabog narin sa gigil ang buong classroom. Nataranta si prof na patahimikin ang mga babaeng kanina pa nagpipigil, nagpipigil pa yan huh. Lalo lang nabaliw ang mga fangirls niya, may isa pang maingay na pumapadyak habang sinasabunutan ang sarili. Biguan si Mr . Yuzon sa masamang balak niya. Isang malaking EPIC FAIL! Dahil mas lalong naging loka-loka ang mga lokaret kung kaklase!

Hmmm. Gusto ko na talagang maniwalang matalino 'tong si Patrick. Ngumisi siya sakin bago siya bumalik sa kinauupuan niya. May narinig pa akong nag 'haaaay' nang makita nilang ngumiti ito sakin. Uminit naman ang pisngi ko. Eto na eh, lagpas na siya sa finish line. Lagpas na siya sa guhit na nilikha ko, lagpas na siya at umabot na sa puso ko.

Nagdismiss na si sir at break na. Nagmadali akong lumayas para iwasan ang isang awkward na sitwasyon. Ngunit pinatigil ako ng isang boses.

"Scarlet!" lumingon ako at nakita kong dirediretso si Patrick sa kinatatayuan ko sabay hawi ang mga nakaharang na babae. Umayos ako ng tindig kahit parang hinahabol na ng aso ang puso ko.

"San ka pupunta? I’ll treat you for snack." bigla siyang ngumiti sa pagkakasimangot niya. Sasagot na sana ako nang...

"Patrick!" lumapit ang isang nakangusong babae. Matangkad siya at napakaslender, pangmodel ang beauty niya.

"Bakit ka lumipat ng class?! Nakakainis ka naman. Hindi na ako makatransfer dyan kasi ayaw na ng adviser."

Pinapanood ko ang isang matangkad na babaeng nasa harapan ko. Kulot ang kayang brown na buhok at maganda ang kanyang pangangatawan. Mas mataas siya ng maraming inches sakin at nakuha pa niyang magheels sa kabila ng katangkaran. Gayunpaman, hindi parin nito naabutan ang height ni Patrick.

"Sorry Debbie. I didn’t know you’re coming." sagot ni Patrick. Siya yung Debbie na tinutukoy ni Maddie!

Ah so kung alam niyang dadating si Debbie, then hindi siya magtatransfer ng class? So mas pipiliin niya itong babaeng ito kaysa sakin?

Wait.

Bakit ko ba  ‘to iniisip? In the first place, ako ba ang dahilan na lumipat ng class si Patrick? If I know, pinakick-out siya dun sa kabila. Stop being so assuming Scarlet!

“You always want the chase huh?” sagot ni Debbie sabay pulupot sa braso ni Patrick.

“No need for chase Debbie.” Sagot ni Patrick.

“What do you mean? ‘Cause you surrender to me?” manghang sabi ni Debbie.

“Nope, kasi hindi naman ako nagpapahabol.”

BOOM PANES! Natuwa ang kaloob-looban ko, lokong Patrick ‘to! Ngumuso lang si Debbie at mas lalong dumikit kay Patrick.

“Ikaw talaga. Napaka-interesting.” Tanging sambit ng babaeng minumura ko na sa isip ko. Stop being so clingy! Boyfriend ko yan! Nagsimula na akong mainis dahil hindi naman ako kasali sa usapan nila. Nao-OP lang ako at naiinis sa atensyon na binibigay ni Patrick sa kanya.

"Sige mauna na ako." nagpatuloy ako sa paglalakad. Maglampungan ba sa harap ko. Kababuyan!

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon